Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
(Note : Wag madaliin ang pagbabasa ng isang Fight Scenes. Bakit? Kasi hindi niyo mafefeel yung bakbakan kapag minadali niyo hahaha ganun lang kasimple :) Namnamin bawat letra, ganun. Hahaha dejoke lang. )
*********
[ Ish's PoV ]
" Dalawampu, mahigit dalawampu silang lahat." Ani Veronica nung mabilang niya ang lahat ng mga bodyguards na palakad-lakad malapit sa gate ng palasyo ng Elfame. Andito kaming lahat ngayon sa isang madilim na parte malapit sa kinatatayuan ng palasyo, nag iisip ng pwedeng gawin
" So anong plano? " Helena
" Obserbahan niyo muna ang paligid, baka may iba pa silang kasamahan." Sagot ko. Di kami pwedeng mag padalos-dalos. Mas mabuti na ang maging maingat.
Nakita ko namang naglalagay na ng silencer si Hell sa kanyang hawak na baril. Tsk. Isa pa 'tong mahilig magpadalos dalos. " Wag kayong gagawa ng hakbang hanggat wala ako sinasabi, maliwanag? Hindi natin alam ang kinikilos--shit! KAEL! " Agad nalang naming sinundan si Kael nung bigla itong sumugod mag isa. Ano bang iniisip niya?!
Mabilis na naalarma ang dalawang bodyguards na nasa harapan ng gate nung makita nilang papalit si Kael sa kanila.
" K-KALABAN!! " Bubunot pa sana sila ng baril ng mabilis na bumaon sa mga ulo nila ang dalawang lumilipad na kutsilyo. Tinignan ko ang may gawa ng atakeng yun.
" Galing mo talaga, Bae." Benz
Biglang sumulpot ang anim na bodyguards sa harapan namin habang nakatutok samin ang mga hawak nilang baril---pero buti nalang at mabilis na nakakilos si Veronica at agad niyang tinamaan ang anim na yun ng sabay-sabay gamit ang napaka hi-tech na pana niya. Kakaiba at napakaganda ng desenyo ng pana niya.
Ang gagaling nila..
Nakita ko yung isang bodyguard na nagbubunot na ng baril habang nakatingin kay Kael kaya agad ko siyang sinugod. Bigla naman siyang tumingn sakin nung mapansin niya ako at sa akin niya sana ito ipuputok pero mabilis kong inatake ang pressure point niya sa may leeg kaya agad siyang naparalisa. Agad kong inagaw ang baril na hawak niya at ipinutok ito mismo sa ulo niya.
" Ish.." Biglang humawak sa balikat ko si Benz kaya napatingin ako sakanya, at medyo nangunot ang noo ko nung hindi siya sa'kin nakatingin. " Bakit? "
" Tignan mo.." Sa tono ng boses niya eh para siyang nakakita ng multo. Agad nalang akong tumingin sa tinitignan niya, at halos nanlaki rin ang mga mata ko sa nasaksihan ko.
Lahat kami ay napahinto habang nakatingin kay Kael na ngayon ay isa-isang tinatapos ang mga kalaban. " Kael..." Kung titignan mo siyang makipaglaban ngayon ay parang hindi siya ang Kael na kilala namin. Nakakatakot ang expresyon ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...