Episode 33: Flashbacks

5.4K 206 18
                                    

Episode 33: Flashbacks 


 ********


[Hell's PoV]


Lage nalang akong nahuhuli..


" A-aray.." Napahawak ako ng mahigpit sa tuhod ko sa sobrang sakit. Kainis! Dudugo pa ata. Tinignan ko ng masama ang bato na naging dahilan ng pagkadapa ko. Pasalamat ka nagmamadali ako.

Agad na akong tumayo at tinakbo ulit ang daan. Kailangan kong bilisan. Baka napano na naman yung engot na'yun.

Hindi ako pwedeng mahuli...ulit.

Pagkarating ko sa lugar kung saan ko siya makikita ay tanging siya at si Elon nalang ang nadatnan ko.

Aw

Huli na naman ba ako?

" Anong nangyari? Ang sabi ni Harley sa'kin may nang aaway daw sayo. Asan na sila? Uupakan ko ang mga yun! " Kahit parang nawalan na ako ng gana ay tinanong ko parin yan sakanya sa maangas na tono para lang maipikita sakanya na handa ko siyang ipagtanggol.

Nahuhuli nga lang ako.

" Umalis na sila. Mabuti at niligtas ako ni Elon." 

" Ah ganun ba. Mabuti naman kong ganun." Napingiti ako ng mapait sa sinabi niya. Ba't ba lagi nalang akong nahuhuli? Ba't ba lagi nalang akong nauunahan ni Elon? Bakit ba lagi nalang ganun?

Nakakainis.

" Hell.." Saglit akong natigilan sa ginagawa ko nung hinawakan ni Ish ang balikat ko." Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa'min kung saan mo ililigtas si Elsa? Mapapadali ang pagliligtas natin sakanya kung sasama kami."

" Kaya ko siyang iligtas ng mag isa. Kaya pwede ba alisin mo yang kamay mo." Sagot ko sabay alis ng kamay niya. Gusto ko mang sabihin sa inyo..pero..


" Hawak namin si Elsa."

" Tangina! Hoy! Wag niyong gagalawin si Elsa! " Bulyaw ko sa kausap ko pero tinawanan lang ako ng bwesit na'to kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

" Suplado ka parin hanggang ngayon." Natatawang sagot niya. Tsaka ko lang napansin na parang pamilyar sakin ang boses niya. " Hindi mo na ba ako natatandaan? Kasi ako tandang tanda pa kita. Natatandaan ko nga rin yung sinabi mo sa'kin noon na kahit sino pa ako, sa oras na galawin ko 'tong babae mo, di ka magdadalawang isip na patayin ako. Tama ako diba? " Ramdam ko sa tono ng pagsasalita niya na naghahamon niya. Natatandaan ko na ang taong ito..

Naging kasamahan ko 'to dati. Si Eric Fortalejo ng grupong Crosser noon

" Gusto mo siyang iligtas? Pumunta ka dito nag mag isa at walang kahit anong baril na dala. Sa oras na malaman kong may kasama ka at may dala kang armas, automatic, sabog ang ulo ng babaeng 'to." Parang nanghina ako bigla sa sinabi niya. At mas lalo pa akong nanlumo nung marinig ko ang boses ni Elsa.

" Pakiusap huwag niyo siyang ida--"

Nakaring ako ng malakas na sampal sa kabilang linya na nagpitigil sakanya " Tumahimik ka!! "

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon