Episode 57: The Last War
( Sorry sa typos and errors :) Sobrang haba po nito. Sana di kayo antukin hahaha Wag niyo pong madaliin yung pagbabasa para mafeel niyo talaga yung scene :) )
*********
[ Asher's PoV ]
*Flashback*
Sa lahat ng kuya na nakilala ko, siya na ata ang pinaka mabait sa lahat.
Habang tinitignan ko siya kung pano niya inaalagaan si Virgel ay napapangiti nalang talaga ako. Kitang kita mo talaga sa mukha niya yung saya sa tuwing nakikita niyang tumatawa ang kapatid niya. Mararamdaman mo sa bawat kilos niya na pinapahalagahan niya talaga ng husto si Virgel.
Kahit saan siya mag punta ay sinasama niya ito. Minsan nga maiinis nalang kami nila Felix dahil ipagpapalit niya yung paglalaro namin sa pagbabantay niya sa kapatid niya. Pero di namin siya masisisi. Kami nga na kaibigan niya lang eh makikita mo na mahalaga kami sakanya. Sa kadugo niya pa kaya?
" Argo pwedeng pakarga kay Virgel? " Nakangising tanong ko. Nandito lang kami sa sala ng mansyon nila ngayon. Nainggit kasi ako bigla eh. Parang gusto ko na rin tuloy magkaron ng bunsong kapatid.
Papagawa nalang ako kila mama mamaya.
" Heto." Dahan dahan naman niyang nilipat si Virgel sa braso ko. At nung makuha ko ito ay tinignan ko agad si Virgel " Baaaaaa~ Ba't ganyan ka makatingin? Ang gwapo ko ano? ^_____^" Nakangising tanong ko pero niluwa lang ni Virgel ang tsupon niya na parang nandiri bigla at tsaka umiyak ng napakalakas
" HUWAAAAAA!! HUWAAAAAAA!! " Aww anong ginawa ko? :c
" Hahahah akin na." Natatawang sabi naman ni Argo at tsaka kinuha ulit si Virgel. " Natakot ata sayo." Dagdag pa niya tas lalo pang tumawa.
" Grabe kayo sa'kin :( " Sa gwapo kong 'to? Imposible. Baka di lang sanay si Virgel na gwapo ang umaakay sakanya kaya siguro nabigla siya. Tama. Baka yun nga.
Tumahimik naman agad si Virgel at tsaka humagikhik habang inaabot ng dalawang kamay niya ang buhok ni Argo.
Haaay. Magpapagawa talaga ako kila mama mamaya.
Habang tinitignan ko sila ay bigla nalang akong napatanong kay Argo " Gaano mo kamahal yang kapatid mo, Argo? " Kasi diba? Magkaiba sila ng ina. Hindi ba niya iyon naisip?
Tumigil naman sa pakikipaglaro si Argo at tsaka ngumiti. " Lahat gagawin ko para sa kaligtasan niya." Sagot niya habang nakatingin lang kay Virgel.
" Kahit dumating pa sa puntong kamuhian na niya ako dahil sa pagpoprotekta ko sakanya ay ayos lang sa akin. Lahat tatanggapin ko maging ligtas lang siya palagi." Dagdag pa niya na tila nagpatahimik sakin. Yung pagmamahal niya sa kapatid niya, damang dama mo talaga habang sinasabi 'yun.
BINABASA MO ANG
VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
ActionBata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala namang ginagawa kasi kahit anong gawin mo, hindi niya kayang gumanti. 4th year highschool student...