Episode 44: The 5th Assassin

6.1K 223 100
                                    

Episode 44: The 5th Assassin


*******


[ Ish's PoV ]



Madaling araw palang pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos.



Tumingin nalang ako sa kisame nitong kwarto ko habang nag iisip. Ano nga ba talaga ang nangyari nung gabing 'yun. Walang ibang makakasagot ng tanong na yan kundi si Boss lang, pero anak ng tinapa, mag dadalawang linggo na namin siyang hindi nakakausap ng maayos. Nagsasalita lang siya kapag kailangan, at sasagot lang din siya sa tanong namin kung gusto niya. Haaay. Kung andito lang sana si Hugo, baka nagawa na niyang ibalik sa dati si Boss ngayon. Pero wala eh, wala na siya.



Kahit mag aalas sinko palang ng umaga ay bumangon na ako at bumaba. Pumunta ako saglit sa CR para jumingle, napadaan ako sa kusina at nakita ko ang ilang katulong na gising na rin at naghahanda ng umagahan para mamaya.

Pagkatapos kong jumingle ay pumunta nalang ako sa sala para umupo.



Wala akong ibang mapagkakaabalahan kaya kumuha nalang ako ng album para tumingin ng mga litrato—pero kalaunan ay sinara ko na rin. Nung makita ko yung larawan namin kasama si Hugo ay nakaramdam lang ulit ako ng lungkot.



Isinandal ko nalang ang ulo ko para umidlip. Pero wala pang minuto ay may naramdaman akong lumapit sakin kaya napamulat ako sa isa kong mata. Tumambad sakin ang isang babae bitbit ang isang tasa ng kape.



" Ah kape po muna kayo, Sir Ish." Nakangiting bati ni Madel sa'kin. Kinuha ko naman agad 'yun. " Ah naku maraming salamat. Nag abala ka pa."



" Nakita ko po kasi kayong malungkot kaya ginawan ko nalang kayo ng kape." Medyo natawa naman ako sa paliwanag niya. " Bakit, sasaya ba ako sa isang kape? " Natatawang tanong ko.



" Yan nanga Sir oh, tumatawa na kayo, ibig sabihin, masaya na kayo ^___^ " Napipi naman ako matapos niyang sabihin yun. Aba, oo nga noh? natanga ako dun ah. Napakamot nalang ako ulo. Kasalanan to ni Benz eh, unti unti na akong nahahawa sa katangahan ng gonggong na'yun -__-



" Salamat dito sa kape mo." Ngumiti ako sakanya kaya tumango rin siya. " Ba't di ka muna maupo, wala ka naman atang gagawin dun sa kusina." Aya ko, tumingin naman siya sa kusina. Sa totoo lang ay nacucutan ako sakanya, kaso masyado pa siyang bata. Mga nasa 17-19 pa ata siya.



" Ah sige po." Umupo naman siya sa tabi ko. Kinuha niya ang album na binuksan ko kanina pagkatapos ay tinignan niya ito. Habang tinitignan niya yung mga larawan ay bigla siyang nagsalita." Nakakamiss po si Sir Hugo diba po? " Tanong niya tsaka tumingin siya sa'kin saglit pagkatapos ay ibinalik niya ulit ang tingin sa Album. " Oo, kahit hindi siya gaanong nandito sa mansyon ay nakakamiss pa rin ang presensya niya." Sagot ko sabay higop ng kape, kita ko naman siyang tumango tango habang nakatingin parin sa mga litrato. " Ilang taon ka na ba, Madel? " Tanong ko.  Wala lang, gusto ko lang malaman.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon