007 | found you

93 5 0
                                    

found you
kier | 007

Nilapag ko ang cellphone sa
study table saka humiga na
lang sa kama ko, hindi na
nag-abalang mag-reply pa
sa kanya. Napahinga ako nang
malalim dahil sa mga sinabi
ng pinsan ni Axl.

Hindi ko alam kung matutuwa
ako o malulungkot. Matutuwa
ba ako na na-meet ko yung goal
kong makatulong sa ibang tao
gamit yung podcast ko?

Gusto kong pagsisihan yung
ginawa ko pero hindi ko
naman puwedeng ituloy uli
'yon... sa ngayon.

"Ah! Imbes na hindi ko iniisip
'yon ngayon, e!" inis na
sambit sa sarili.

Napunta ang tingin ko sa
cellphone na nakalapag sa
study table.

"Bakit ba ngayon mo pa
ako nahanap?"

Nakakainis naman.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon