090 | sleep now aro

26 1 0
                                    

sleep now aro
kier | 090

"Saan nga kasi tayo pupunta?" tanong
nito habang hinihila yung laylayan
ng damit ko.

Natawa lang ako dahil sa ka-cute-an
niya. Para siyang bata.

"Nagdadrive ako."

"Grabe sasagutin mo lang naman kung
saan tayo pupunta, e. Tsaka bakit pala
ako gusto mo sumama sayo? Ngayon
ka lang nag-aya lumabas, e."

"Wala naman, I just want to spend this
day with you," sagot ko.

"Putek!" Napalingon ako sa kanya nang
mapasigaw ito.

"Bakit?" tanong ko nang nakatakip na
ang palad nito sa mukha niya.

"Wala, sa kalsada ka tumingin baka
mabunggo pa tayo," aniya.

Dahil sa sinabi niya ay tinigil ko ang
sasakyan sa gilid ng kalsada. Inalis
naman niya ang kamay niyang nakatakip
kanina sa mukha. Our eyes met when he
lifted his face causing me to immediately
shift my gaze. Damn heart, easy.

"Bakit mo tinigil sasakyan? Dito na ba tayo?"
aniya saka luminga linga pa sa paligid.
Kinuha kong chance yon para
matitigan siya.

"Wala pa. Gusto lang kitang titigan, and
I can't do that while driving." Why the fuck
did I say that?

Nanlaki ang mata nitong unti-unting ibinaling
ang tingin sakin. This time hindi ko na
magawang umiwas ng tingin.
Ang cute niya. Argh!

Sinubukan niyang bawiin ang gulat sa
pamamagitan ng pagtawa. "Baliw, bakit
mo ako tititigan? Crush mo ba ako?"
pabiro nitong tanong habang nakalagay
ang kamay sa batok at pilit iniiwas sa
akin ang tingin.

"Yep," Hindi nga lang ata crush, e.
Basta ang alam ko, I'd do
anything . . . anything for him.

"Ha?"

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon