026 | happy endings

57 4 0
                                    

happy endings
akihiro | 026

Jusko naman, pahirap sa
buhay Amara.

Napilitan akong tumayo
mula sa pagkakahiga sa kama.
Imbes buong araw akong
hihiga, e.

Nang makarating ako sa harap
ng pinto nila Axl ay agad akong
kumatok, pero walang nagbukas
ng pinto. Wala ba sila dito?

"Axl!" tawag ko sa kanya habang
kumakatok pa rin sa pinto.

Ilang beses ko ring inulit 'yon bago
may pumihit sa knob. Pagbukas
ng pinto ay hindi inaasahang
bumungad sa akin si Kier.

Luh putek roommate sila?

Tumalikod ako dahil sa hiya.

Hindi ko alam kung saan ko
nahagilap yung hiya ko pero
ewan nahihiya ako, putek!

"Anong kailangan mo?" tanong niya.

Medyo nag-crack pa yung boses niya,
minamalat ata.

"Ah, si Axl?" tanong ko habang
nakatalikod pa rin.

Mukha na akong timang dito
na nakatalikod habang
nakikipag-usap.

Pasimple akong sumilip sa likod
nang hindi ito nagsalita,
ngunit nahuli niya lang din ako
kaya napilitan akong humarap
na lang.

"Uy! Ikaw yung natalisod kahapon
papunta sa treasurer's office ah!"

Talas naman ng memory mo
bakit naman naalala mo pa yon?
Ponyawa

"Oy, Aro! Anong ginagawa mo dito?"

Ngayon lang ako natuwa sa
presensya ni Axl jusko!
Salamat ng marami dumating ka!

"Tawag tayo ni Mara,
nasa kanya allowance natin."

"Napakatamad talaga ng
babaeng 'yon!" reklamo ni Axl, kala
mo naman hindi rin tamad e sa
kanya lang din nagmana
yung kapatid niya.

"May pinagmanahan," asar ko.

Pinakyuhan lang ako ni Axl
kaya natawa ako.

"Oy Kier, 'yan yung
nag-me-message sa'yo."

Nanlaki ang mata ko kay Axl
nang sabihin niya 'yon. Akmang
kukunin ko yung tsinelas ko para
sana batuhin siya pero tumakbo
lang siya pabalik ata sa banyo.

"Ikaw 'yon? Oh."

Ayoko siyang lingunin, taena.
Desperado ako pero nakakahiya!
Kung hindi ko lang sana nai-send
agad yung dapat na practice
lang na message ko. Tapos nasabi
ko pa na hindi ko siya type, tapos
natalisod pa ako kahapon at
tinawanan niya ako. Mukha na
talaga akong clown sa kanya.

"7pm mamaya," biglang sabi ni Kier.

"Ha?"

Napalingon ako sa kanya.
Nakangisi na ito.

"7pm mamaya sabi ko, bingi.
Punta ka dito," aniya bago tuluyang
mag-walk out at iniwan akong
hulog ang panga.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon