091 | sleep now aro

23 1 0
                                    

sleep now aro
akihiro | 091

Putangina gago walang hiya animal
tarantado, ano daw? Crush?
Ako? Ni Kier?

"Ha?"

Hindi na siya nagsalita uli. May pilyong
ngiting nakaukit sa labi niya kaya nainis ako.
Gago ka Kier, huwag mo pinaglalaruan
puso ko, last week ka pa.

"Hoy, anong yep yep ka dyan?" tanong ko
uli nang hindi na talaga ito nagsalita pa.

"Hooray," sagot niya saka tumawa
pa nang malakas, proud na proud sa
joke niya. Self support ampota.

"Tangina tatang, bababa ako dito," sabi
ko naman dahilan para umayos siya.
Though, hindi naman ako bababa talaga
kahit hindi siya umayos kasi hindi ko
alam kung nasaan kami at halos walang
bahay sa kung nasaan kami ngayon, tapos
ayaw pa niyang sabihin kung saan
kami pupunta.

Akala ko lilinawin niya na yung sinabi
niya pero muli ay hindi siya nagsalita,
sa halip ay in-start niya lang yung kotse.
Gusto kong magsigaw sa tenga niya ng
madaming masasamang words, pero
baka kami madisgrasya kapag ginawa
ko 'yon habang nagmamaneho siya.
Potek naman, e! Alam niya kung gaano
ako kabilis ma-curious.

Pero, Aro, malinaw naman yung narinig mo.
Nag-yep siya, kaya oo crush ka daw niya.

Pero paano kung hindi naman 'yon seryoso?
Ayoko nag-a-assume.

Pero paano kung seryoso nga siya?
Gago pota bakit ako kinikilig hala.

At bakit ko kinakausap sarili ko. Malala
na ako, ayoko na sa Earth. Gusto ko
na lang maging asteroid para tamang
lutang na lang ako sa outerspace.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon