030 | happy endings

56 4 0
                                    

happy endings
akihiro | 030

Hindi ako mapakali kaya kahit
may 30 minutes pa bago mag-7,
lumabas na ako.

Tinanong pa ni Neo kung saan
ako pupunta ng ganitong oras,
sabi ko na lang na magpapahangin ako,
totoo naman, tapos magaantay na
rin sa labas ng pinto nila Kier hanggang
sa mag-alas siyete.

Sana lang huwag siyang lumabas tapos
maaabutan niya akong naghihintay do'n.
Magmumukha akong ata.

6:40

6:50

6:59

Hindi ko na mahintay yung isang
minuto kaya kumatok na lang ako kaagad.
Saktong 7pm nang buksan niya yung pinto.

"Pasok ka," aniya.

Ngayong nandito na ako mas lalo
akong kinakain ng kaba. Hindi ko
nga alam bakit ako kinakabahan, e.
Tangina.

"Kumain ka na?" tanong niya.

Bakit ang bait niya? Ang sungit
sungit lang niya sa mga reply niya
nung nakaraan ah.

"Uh, oo."

Joke lang, hindi pa ako
kumakain pero wala din naman
akong gana.

"Hmm, okay."

Pumasok siya sa kuwarto kaya
sumunod ako.

Tangina, bakit ako sumunod?

Napatingin lang siya sa akin na
parang nanunuya.

Putangina gago ayoko na pala dito
ano ba 'tong pinapasok ko?

"Make yourself comfortable."

Putangina paano? E bigla niyang
sinara yung pinto habang nasa
likod pa lang ako nung mismong pinto.

Yung kamay niya nasa gilid ng ulo ko.
Bigla niyang in-unbutton yung polo
niya gamit isa niya pang kamay,
kaya nanlaki yung mata ko.

Hindi ko alam kung sasapakin ko
ba siya o itutulak. Gago!

Natawa siya bigla saka lumayo
sa akin.

Tinatawa mo dyan, ina ka!

"Pinsan mo nga si Axl," aniya
habang tumatawa pa rin.

"Huh?"

"Pareho kayo mabilis maniwala.
Tsk! I was just teasing you, huwag
kang mag-alala hindi ako gano'n,"
sabi niya habang sinasara uli yung
butones na tinanggal niya kanina.

Ang sarap sarap manapok! Tangina!

"Sabi mo hindi mo ako type,
bakit ganyan reaksyon mo?"
pang-aasar niya.

Tangina mo! Gago! Pakyu!

Napangiwi lang ako na mas lalong
ikinatawa niya.

Masaya ka do'n? Gago ka!

"Tinawag kita dito kasi curious ako
sa kung anong pakay mo sakin, okay.
Bakit mo ako hinanap? Bakit mo
nasabing gusto mong samahan
kitang matulo-"

"Nagkamali lang ako sa part na 'yon.
Dapat sinabi ko tulungan mo
akong makatulog,"
pagputol ko sa kanya.

"E bakit nga?" tanong niya.

Naupo siya sa baba ng kama niya,
tinap niya naman yung tabi niya para
siguro paupuin ako roon pero ayoko
kaya umupo na lang ako sa sahig
sa likod ng pinto niya.

"Kasi may insomnia ako at gusto
ko na matulog, ano pa ba?"

Saglit kaming natahimik.
Niyakap ko yung tuhod ko saka
tumingin sa sahig bago ako
nagsalita uli.

"I don't wanna die."

"What do you mean? May taning ka?"

"Wala naman, ayoko lang matulad
sa Mama ko."

"Oh," Wala na siguro siyang
masabi, o ayaw lang magtanong.

"Ayoko na lang din humingi ng pera
kay Tita pambili ng gamot, ang
dami-dami na nilang nagawa
para sa akin, e."

Ang hilig hilig ko mag-overshare
lalo na sa hindi ko kilala. Taena ka, Aro!

"So, yung boses ko kailangan mo?"
tanong niya.

Tumango ako. May something
talaga sa boses niya na
kumakalma sa akin.

"Sobrang na-frustrate nga ako nung
hindi ko na uli mahanapan yung
Midnight Tales."

Natahimik siya. Nasabi pala niya na
may reason bakit niya in-end yung
podcast. Bakit ko ba sinabi yon?
Mamaya isipin niya gini-guilt trip
ko siya.

"Uy, hindi ako nangi-guilt trip ah.
Ayos lang, sabi mo nga may reason
bakit mo in-end. Nahanap naman kita
so okay lang, though hindi ko talaga alam
exactly anong gusto kong gawin mo."

"Gusto mo basahan kita?"

"Ano ako bata?"

Kung yung 7 years old self ko yung
kaharap niya ngayon, sobra akong
ma-e-excite kasi 'yon din yung way ni
Mama noon para mapatulog ako.

"Sige na. Basahan kita."

"Oo na nga po, basta yung
may happy ending ah."

Ayoko ng tragic.

"Demanding ka naman, okay."

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon