119 | home

23 1 0
                                    

home
kier | 119

Nang makarating ako sa 3rd floor ng
ospital ay agad akong nagtungo sa room niya.
Ang bigat ng dibdib ko, hindi ko alam kung
kakayanin ko siyang harapin at makitang
nahihirapan, pero gusto ko siyang makita.

"Kier," si Axl ang bumungad sa akin.
Nasa labas ito ng pinto, mukhang
hinihintay ako.

Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Pagkabukas na pagkabukas niyon ay
bumungad sa akin ang nakatulalang si Aro.
Hindi ito nakatingin sa direksyon ko kaya
hindi pa niya ako nakikita.

Nagsimulang tumulo ang luha ko ngunit
agad ko din iyong pinunasan. Nang suminghot
ako ay doon lamang siya napalingon.
Napabalikwas siya sa kama niya, ngunit
agad ding bumalik sa posisyon.

"Naghahallucinate nanaman ba ako?"
tanong nito.

Napansin kong naroon din pala sila Vg,
Arko, at Neo. Naoatayo silang tatlo mula sa
pagkakaupo sa sofa na nasa gilid. Nagsimulang
umiyak si Neo nang makitang nalungkot si Aro
nang tanungin nito kung naghahallucinate
nanaman ba siya.

Napalunok ako nang mariin bago nagsalita.
"I'm real, Aro. I came back."

Wala nang tanong tanong pang sinalubong
ako nito ng yakap.

"Bumalik ka. Huwag ka nang aalis uli."

Pinulupot ko sa bewang niya ang kamay ko at
mahigpit din siyang niyakap pabalik. Isiniksik
naman nito ang mukha sa leeg ko.

"Hindi na ako aalis uli, dito lang ako sa tabi.
Hindi ako aalis sa paningin mo, sasamahan
kitang lumaban, Aro."

"I missed you tatang," garalgal ang boses
nitong wika.

"I missed you too, panda."

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon