020 | happy endings

68 5 0
                                    

happy endings
akihiro | 020

"Dalian mo, Aro. Gutom na ako,"
reklamo ni Arc habang nagpapalit
ako.

Pawisan kasi ako kanina,
nairita ako sa suot ko kasi basa
na ng pawis kaya nagpalit ako
ng damit nang makarating kami
sa dorm.

"Eto na nga, e lalabas na.
Nahawaan ka na ni Neo,
napakabugnutin kapag gutom."

"Sinong hindi?" pagsusungit
pa nito.

"Si Vanguard?" tanong ko nang
maabutan ko siya sa labas na
mag-isa na lang.

"Nauna na."

"Naks, hinintay niya ako."

"Aro, demonyo akong kaibigan
pero hindi ako nang-iiwan,"
sabi niya kaya natawa na lang ako.

Pababa kami ng hagdan nang
makasalubong namin sila Axl, pinsan ko,
kasama yung kaibigan niya ata. May
dala silang pagkain galing sa Jollibee.
May Jollibee pala dito? Shet gusto ko din.

"Woy Axl, manlibre ka nga."

"Anong libre libre? May kasalanan
ka pa sa akin bakit kita ililibre,"
pagsusungit ng pinsan ko kaya
napangiwi na lang ako.

"Para isang fries lang, e."

Kumuha siya sa supot na dala nila
kaya naexcite ako. Aabutin ko na sana
kung anuman ang ibibigay niya
ngunit nawala ang malawak kong ngiti
nang bigyan lang ako nito ng isang
pirasong fries.

"Isang fries sabi mo, e."

Sinubo niya sa akin yung fries,
syempre kinain ko kasi fries 'yon.
Paborito ko pa naman. Kainis naman
'tong si Axl, paasa! Kala ko ibibigay
yung isang buo sa akin.

Tinawanan lang ako ni Ax kaya
binatukan ko siya. Babatukan din
sana ako pabalik pero natigilan
kami sa pagbabangayan nang
may magsalita.

"Hoy, Axl! Tagal niyo daw
sabi ni Tope."

Hindi ako nakaharap sa taong 'yon
pero pamilyar sa akin ang boses niya.
Syempre, yung boses na 'yon yung
dahilan bakit kahit isang beses
lang sa isang linggo dati nagkakaroon
ako ng desenteng tulog.

"Sabi ni Tope kahit ikaw lang din
nagsabi. 'Di naman mainipin 'yon,
e ikaw lang maikli pasensya
sa ating apat."

"Gustong-gusto mo talaga
nasasaktan."

"Joke lang, hindi 'to mabiro."

Hindi na lang din ako humarap
sa gawi niya dahil nakakahiyang
nakita niya akong natalisod kanina
tapos tinawanan pa daw niya ako.
Kailangan ko pang makarecover sa hiya,
baka bukas ko na lang 'yon kausapin
baka sakaling makalimutan niya
na no'n na ako yung natalisod.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon