050 | memories that never left

42 4 0
                                    

memories that never left
kier | 050

"Bahala na."

Tumayo ako mula sa pagkakahiga saka
lumabas sa kuwarto ko.

"Lalabas ka? Pabili akong ice cream sa 7/11!"
pahabol ni Axl nang makita akong palabas
pero hindi ko na siya nagawang pansinin.

Ka-floor lang namin sila kaya hindi naman
malayo ang nilakad ko.

Pagkarating ko sa harap ng pinto nila bigla
na lang akong namental block. Hindi ko
alam kung anong gagawin ko do'n.
Anong sasabihin ko bakit ako nando'n?

"Iss, bahala na talaga."

Kakatok na sana ako sa pinto nila nang
bigla iyong bumukas. Bumungad sa akin
yung roommate niya.

Ano na uli pangalan niya? Neo?
May hawak siyang garbage bag, mukhang
magtatapon sa labas ng basura.

"Oh, si Aro ba?" tanong niya nang
makita ako.

Napahawak ako sa batok ko saka tumango.

"Hindi ka rin ba kinausap buong araw?"

Muli ay dahan-dahan akong tumango ako.

Ang unusual kasi sobrang daldal niya, tapos
biglang walang paramdam ngayon.
Kahit minsan nakakatamad mag-reply
at talagang hindi ko siya nirereplyan,
nasanay akong laging nagpa-pop-up yung
pangalan niya sa notifications ko.

"Death anniversary ng Mama niya ngayon.
Hayaan mo muna siya mag-isa. Hindi
talaga siya nakikipag-usap sa kahit kanino
tuwing dumadating tong araw na to."

Oh.

Gusto ko siyang kausapin pero tulad ng sabi
ni Neo, hinayaan ko na lang muna siya.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon