095 | sleep now aro

17 1 0
                                    

sleep now aro
kier | 095

"Gusto ko bigla bumili nung mga glow
in the dark na stars na puwedeng idikit
sa kisame," sabi ni Aro habang nasa
langit pa rin ang tingin.

Nakahiga kami ngayon sa likod ng
sasakyan ko. Buti na lang may nadala
akong kumot, iyon na lang ang
pinaghigaan namin.

"Noong bata ako lagi akong nasa labas
kasi gusto kong tumitingin sa langit.
Umaga man o gabi. Ang gaan kasi sa
pakiramdam ng kulay ng langit kapag umaga,
tapos iniimagine ko lagi yung mga clouds
na may mukha, kunware tao sila, puwede
din bagay o hayop. Tapos kunware may
movie akong pinapanood sa mga clouds.
May dialogue pa nga ako minsan."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
Iba pa rin talaga kapag sa personal siya
nagkukuwento. Ang sarap niyang pakinggan
kasi ang passionate niya habang
nagkukuwento.

Hinarap ko ang katawan ko sa kanya habang
nagsasalita pa rin siya. Natigilan naman
siya nang marealize na nakaharap ako
sa kanya.

"Kanina ka pa tumititig, konti na lang
maniniwala na talaga akong crush mo ako."

"Sinabi na nga kaninang oo, e."

"Parang timang, ano bang trip mo, tang?"

Ayaw niya na talagang i-give up yung tatang.
Ngayon ko lang narealize na ang cute
pakinggan ng nickname na 'yon kapag
siya nagsabi.

"Rhymerist ka na nyan?"

Natawa kami pareho, pero agad din siyang
sumeryoso nang hindi ko pa rin sinasagot
yung tanong niya.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon