098 | sleep now aro

20 0 0
                                    

sleep now aro
kier | 098


Natigilan siya nang ilapat ko ang labi ko
sa kanya. Parang may sumusuntok sa
dibdib ko mula sa loob sa sobrang lakas
ng kabog ng puso ko. Fck I don't want this
night to end. Please, pa-extend pa po kahit
isang araw pa. Ayoko pang pumunta.
Ayoko pang umalis. Ayoko pang iwan siya.
Babalik naman ako pero hindi ko alam
kung kakayanin ko pang lumayo matapos
niyang sabihin iyon.

Hindi ko na namalayan na napatagal na
pala ang halik. Pinutol lamang naman iyon
nang maubusan ng hininga. Ilang minuto
kaming nanatiling tahimik, nakahiga lang
habang nkatingin sa langit, hanggang sa
naramdaman ko na lang ang braso nito
sa aking dibdib. Lumapit din siya sa akin
para tuluyan akong mayakap. Nilagay ko
naman ang braso ko sa may ulunan niya
para magsilbing unan.

Nang mapunta sa kanya ang tingin ko ay
nakapikit na ito. Inangat ko ang isang
kamay para hawakan ang pisngi nito. Alam
kong ngayon lang uli siya makakatulog
nang hindi hirap dahil ilang gabi ko na rin
siyang hindi natatawagan. Ayaw niya kasing
tumawag ako na hindi pa okay ang boses ko.
Kaya napangiti na lang ako nang makitang
ang bilis niyang nakatulog ngayon.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon