111 | sunset

19 0 0
                                    

sunset
akihiro | 111

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo
na akong naghihintay. Tuwing matatapos
ang klase ay dumidiretso ako sa rooftop
ng dorm, naghihintay na baka makita
ko siyang papasok sa gate. Kita ko rin kasi
dito ang paglubog ng araw kaya dito na
lang ako naglalagi.

Ilang sunsets na rin ba ang napanood ko
habang nandito ako? At ilang sunrise
na ang naabutan ko sa pagpapalipas ko
ng gabing walang tulog dito? Hindi ko na alam.
Ang huling tulog ko ay nung huli ko
siyang nakasama.

Naalala ko tuloy ang isang line ng
character sa librong binasa niya sa akin
nang minsan.

"Sunsets doesn't always mean it's the end of
something. It could mean hope. Pag-asa na may
darating pang bagong umaga."

Pero paano kung walang dumating na
bagong umaga? Paano kung walang dumating
na liwanag?

No, please lang Aro huwag kang mag-isip ng
ganyan. Nangako siyang babalik siya.

"I'll wait, Kier. Maghihintay ako ng bagong
umaga para sa ating dalawa."

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon