071 | silence

24 1 0
                                    

silence
kier | 071

cw // use of cigarettes

May rooftop yung bar kaya doon na
lang ako pupunta. Kinapa ko yung bulsa
ko para tignan kung may nadala ba akong
stick ng sigarilyo. I don't smoke anymore,
pero tuwing naf-frustrate o na-s-stress
ako ganito ginagawa ko. Nilalagay ko lang
sa bibig ko yung sigarilyo pero
hindi sinisindihan.

Pagkarating sa rooftop ay agad yumakap
sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
Hinayaan ko lang kahit pa gininaw ako.
Puting t-shirt lang kasi ang suot ko, naiwan
ko yung jacket ko sa loob. Magpapalipas
lang naman ako ng ilang minuto dito
saka mauuna na lang na umuwi mamaya.
Hindi pa naman ako puwedeng malate bukas.

Kinuha ko mula sa bibig yung stick
ng sigarilyo saka nagpanggap na may
binubugang usok kahit hindi nasindihan iyon,
sabay inangat ang tingin sa langit.
Walang bitwin.

"Uy,"

Napalingon ako sa pinanggalingan
ng boses.

Oh, there's the star.

"Anong ginagawa mo dito?
Ang lamig ah," aniya.

"Nagpapahangin," maikli
kong sagot.

Lumapit ito sa kinalalagyan ko. Iniwas
ko na lang ang tingin dahil naalala ko
yung sinabi ni Sibal at Tope kanina.

"You smoke?" tanong niya nang mapansin
ang stick ng cigar na hawak ko.

"Turn off ba?" Hindi ko alam kung bakit
iyon ang lumabas sa bibig ko, pero
hindi ko na mababawi kaya hinayaan
ko na lang.

"Hindi, ulok. Tsaka ba't naman ako
mate-turn off?"

Oh haha

"Nah, matagal na akong nag-stop.
I just carry a stick, pang-lucky charm."

"Lucky charm talaga?"
Bahagya itong natawa. Napangiti na lang
rin ako nang marinig ang tawa nito.
"Pahingi nga rin ako para swerte
din ako," dagdag pa niya saka hinablot
ang stick sa kamay ko.

"Paano 'to gamitin?" tanong niya, ngunit
bago pa man ako makapagsalita ay nilagay
niya na iyon sa bibig niya.

Indirect kiss gago.

"Ano?" tanong nito nang mapansing
nakatitig lang ako sa stick ng cigar na
nasa bibig niya na ngayon. Hindi ko
alam kung sa stick pa ba ako nakatitig
o sa labi niya?

I shook my head. "Wala."

Natawa ako nang matabunan ng buhok
niya yung mata niya dahil sa hangin.

"Ay pota ano ba yan! Sabi ko nga
magpapagupit na ako," inis niyang sabi
habang sinusuklay ang buhok palikod.

Hinablot ko yung stick na nasa bibig
niya saka nilagay iyon sa bibig ko. "Hoy gagi!
May laway ko na yon, e!"

"Nah, may laway ko din naman
yung kanina."

"Ay pota!"

Natawa na lang ako sa reaksyon niya.
Pabiro ako nitong sinuntok sa braso
kaya pabiro ko rin siyang sinuntok pabalik.

"Aww!" inda niya sabay hawak sa brasong
sinuntok ko kaya naalarma ako.

"Uy hala sorry, napalakas ba?"
tanong ko.

"Sinong mabilis maniwala ngayon?"
aniya saka tumawa.

Naalala ko yung ginawa ko nang unang
beses na pumayag ako sa hinihingi
niyang favor. Tangina, hindi ko rin alam
bakit ko ginawa 'yon no'n.

"Gago, halika na nga balik na tayo
sa baba." Nag-crack yung boses ko sa huli.
I tried to clear my voice pero medyo
malat pa rin.

Kinuha ko na lang uli yung stick sa
bibig ko saka ibinulsa iyon. Nauna akong
naglakad, ngunit nang maramdamang
hindi ito sumunod ay napalingon ako.

"Uy, 1 week na ata 'yan malat mo?"

"Concern ka nanaman sa boses ko.
Gagaling din 'to."

"Ulok, baka iniisip mo naman boses mo
lang habol ko ebarg di naman ako ganon."

Okay, sabi mo e.

Tumawa na lang ako para hindi niya isiping
ganon ang iniisip ko. "Hindi, halika na sa baba."

Pagkababa namin ay bumungad sa amin
ang mga kaibigan na nagkakagulo.

"Tama na! Please! Ano ba, kuya! Respesto
naman sa may birthday. Sinisira niyo
yung gabi!" sigaw ni Mara habang
inaawat si Axl.

"Kung alam mo lang, Mara..." Nagpupuyos
si Axl habang nakatingin sa isang tropa ni Aro.

"Axl! Vanguard! Ano ba? Anong ginagawa
niyo?" pasigaw na tanong ni Aro saka
pumagitna sa dalawa. Lumapit na lang din
ako kay Axl para tulungan sila Tope
na hawakan si Ax.

Hawak ni Arc at Neo si Vanguard na tulala
lang sa kawalan habang hinahayaang
umagos ang dugo sa ilong niya.

"Anong ginawa sa 'yo ng tropa ko, Ax?"
tanong ni Aro sa pinsan niya.

Hindi nagsalita si Axl, iwinaksi niya lang
yung mga hawak namin sa kanya saka
nag-walk out.

"I did not invite you guys to ruin my night.
What the fuck!" sigaw ng umiiyak na si Chelle.
Inalo siya ni Mara. Nilapitan na lang din
ni Tope yung pinsan niya para patahanin.

Si Vanguard naman ay pinunasan yung
dugong umagos sa ilong niya tsaka
sunod na lumabas. Sinundan siya ni Arc,
Neo, at Sibal dahil baka ituloy nila sa labas
yung suntukan, habang si Aro ay naiwang
tulala sa kung saan siya nakatayo.
Lalapitan ko sana ito nang mauna
yung kausap niya kanina.

"Okay ka lang?"

He's not. Nag-away yung kaibigan at
pinsan niya, tingin mo okay siya? Ang
obvious na nga magtatanong pa.

Hindi siya sinagot ni Aro sa halip ay
tinalikuran nito yung lalaki saka
naglakad palabas.

Nilapitan ko na lang muna sila Mara
para tanungin kung anong nangyari.

"Hindi namin alam kuya Kier, bigla na
lang silang nagkainitan, tapos biglang
nanuntok si kuya," sagot ni Mara na
mangiyak-ngiyak din.

Magtatanong pa sana ako nang sumakit
bigla ang lalamunan ko kaya nanahimik
na lang ako.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon