124 | good night, aro

40 1 0
                                    
good night, aro
akihiro | 124

"Pahiram ng balikat mo ah," aniya saka
mas lumapit sa akin para idantay ang ulo sa
balikat ko. Idinikit ko naman ang pisngi
ko sa buhok niya.

Nakaupo kami ngayon sa nilatag namin kanina
habang nakatingala sa langit. Ang daming stars.
Full din yung moon ngayon kaya sobrang
liwanag niya.

"Ayos na ba talaga pakiramdam mo?"
tanong nito.

"Kanina mo pa tinatanong 'yan tang,
oo nga sabi, e."

"Malay ko ba. Nag-aalala pa rin sa 'yo sila Neo,
gusto pa nilang ipadala yung maliit na tangke ng
oxygen kanina," sabi nito saka ipinulupot
ang kamay sa braso ko.

"Ayos na nga kasi, ang kukulit ninyo. Kapag
paulit-ulit niyong tinatanong sa akin baka
magtampo yung katawan ko biglang
bumigay uli bahala kayo."

"Nagsumbong din pala sa akin si Neo,
ilang araw ka daw na hindi kumain kasi
hinihintay mo ako sa rooftop. Ikaw, sabi ko
hintayin mo ako pero hindi naman ibig
sabihin no'n pabayaan mo sarili mo,"
panenermon nito sa akin.

Sumbungero Neo, mamaya ka sa dorm.

"E, ikaw kasi hindi ka nagpaalam."

Natahimik siya. Hanla, naguilty.

▬▬▬▬▬

yellow: aro
white: kier

yellow: arowhite: kier

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Good Night, Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon