Nakatitig si Martha kay Jakob. Bakas kasi sa mukha nito ang saya at minsa'y napapangiti na lang ito nang mag-isa. "Bakit ang saya mo?" Tanong niya rito nang di na niya mapigilan ang kiyuryosidad. He keep his face straight, "Wala po," Sagot ni Jakob.
Martha raised her eyebrow, "Wala."
"Wala po." Ngunit lumabas ang ngiti sa bibig ni Jakob.
Huminto si Martha sa ginagawa niya at pumamewang, "Kagabi, tumawag sakin ang mommy mo kung naka-duty ka ba. Sabi ko hindi at umuwi ka na. Pero sabi niya sa akin hindi ka raw niya ma-contact even sa telepono ng bahay mo ring lang nang ring."
Jakob sighed, "Na-lowbat kagabi 'yung phone ko. Then nawalan ng kuryente."
"Nawalan ng kuryente pero nagri-ring 'yung telepono?" Tanong nito.
"Kayla Cross ako natulog kagabi." He confessed. Martha's eyebrow were knitted together. "Ano?"
Jakob held his hands high in surrender, "Dumiretso ako sa kanila kahapon pero lumakas ang ulan at bumaha sa kalsada kaya doon muna ako sa kanila. Don't worry, umalis din naman ako agad."
"Jakob, wala naman sa akin 'yon basta mag-iingat ka lang at kontakin mo ang mommy mo. Siguradong nag-aabang 'yon ng tawag mo." He simply nodded. "Isa pa, mag-ingat ka sa mga issue na ibinabato ng mga tao. Kamukha mo si Cross, ano na lang iisipin ng iba? Lalo na't doon ka nagpalipas ng gabi."
"I'm not doing anything wrong." He defend.
"Alam ko. Mag-iingat ka lang. Maraming mahilig sa issue sa paligid." Jakob sighed. He don't know if people around him are overeacting. For him, it's pure friendship and staying there last night was out of his control.
Ilang araw ng walang balita si Rachel kay Jakob. Kahit si Cross napapaisip kung bakit hindi ito nagpupunta sa eskuwelahan kagaya ng parati niyang ginagawa. "Baka busy lang siya. O baka naiba schedule niya." Sagot ni Rachel kay Cross habang naglakakad sila palabas ng school.
"Puwede po ba natin siyang tawagan?" Tanong ni Cross.
"Sige, pero pagdating na natin sa bahay ha?"
Nang makarating sila sa bahay agad hiniram ni Cross ang cellphone ng mama niya. D-in-ial niya na rin ang number ni Jakob. Nakailang ring pa bago ito sumagot. "Tito Jakob!" Masayang sabi ni Cross. Napatingin si Rachel sa anak niya habang naghuhugas siya ng rekados para sa lulutuin.
"Hello Cross!" Jakob's smile can be felt through the call.
"Tito Jakob miss na po kita. Bakit 'di ka na nagpupunta sa amin?" Tanong ni Cross.
"Sorry, Cross. Sumama kasi ako sa medical mission sa Porac, Pampanga para sa mga Aeta. Medyo busy rin." Paliwanag nito.
"Wow! Talaga po? Gusto ko rin po sila ma-meet tapos share-an ng Word of God." Sabi nito. Rachel smiled at what her son said.
"That's a good thing to do, Cross. Well, I have a good news. Marami na sa kanila ang converted into Christianity," Paliwanag ni Jakob.
"Edi may nag-speak in tongues na po kaya sila na share-an?" Tanong nito. Napahinto si Jakob sandali.
"Ah... hindi naman. I'm not sure pero mga missionary ang nagpunta dito. 'Yung mga nag-specialize sa sharing of gospel."
"Okay po. Na-gets ko na. Tito Jakob sana umuwi ka na agad. Nag-paint po kami sa school tapos p-in-aint kita." He happily shared. "Nilagyan po ng malaking star ni teacher kasi ang ganda raw po ng painting ko."
"Wow, talaga ba? Sige, uuwi na ako agad para makita 'yung painting mo. Tsaka miss ko na rin 'yung makulit na si Cross," biro nito. "Anong gusto mong pasalubong?" He asked.
BINABASA MO ANG
Right DNA
RomanceJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...