Maagang nagising si Jakob. Medyo madilim pa ang paligid at tulog na tulog ang tiyuhin ni Rachel. Sa totoo lang ay hindi siya makatulog nang maayos dahil ang lakas ng hilik nito at parang dinig sa buong cabin.
Paglabas niya ng kwarto ay didiretso sana siya sa banyo. Nakahiwalay ito sa bahay. Pagbukas niya ng pinto sa likuran ay nakita niya agad si Rachel na may dala-dalang dalawang balde ng tubig. He immediately go to her side because she looks struggling. He took the bucket from her hand and his action startled her. "Gising ka na pala." Sabi nito sa kanya.
"Oo, medyo malakas kasi hilik ni Tito Jim." Tawa niya. Napangiti lang ang babae, "Pasensya na. Ganoon talaga 'yon matulog kasi may diabetes siya," Paliwanag nito.
"Kunin ko na rin 'yang balde," Sabi ni Jakob.
"Naku hindi na. Kanina pa ko nag-iigib. Kaya ko 'to." Naglakad na sila at sinalin sa malaking drum ang tubig. Mapupuno na ito. Siguro ay tatlong timba na lang. Namangha si Jakob. "Ang lakas mo naman! Mapupuno na 'to."
Nakapamewang si Rachel at medyo pawisan na, "Kailangan e. 'Di ko naman pwedeng gisingin si Tito ang hirap gisingin no'n."
"Ako na magtutuloy nito." Kinuha niya mula kay Rachel ang wala ng lamang timba. "Di ba ikaw magluluto ng umagahan?"
"Oo."
"Ako na magtutuloy nito para makapagluto ka na." Ngiti niya. Tumango lang ito sa kanya at pumunta na sa loob. Sandali lang natapos si Jakob sa pg-iigib. Pagkatapos niya ay pumunta na siya sa loob at doon ay nagluluto na si Rachel. "Anong niluluto mo?" Tanong niya at huminto sa likuran nito.
Nailang si Rachel dahil ang lapit sa kanya ni Jakob. His height is looming over hers. Halos balikat lang siya nito. "Mm tuyo! Parang kakaibang tuyo 'yan." He smiled. She can smell his breath, bagong toothbrush ito pero bakit kaya parang may ibang mabangong amoy pa siya? Hindi naman ito nagpabango, basta iba ang amoy niya. Amoy inalagaan simula noong bata? Inalagaan naman siya noong bata pero hindi siya kasing bango ni Jakob lalo na sa umaga. "Sapsap iyan."
"Ang cute naman ng hitsura." He chuckled. Medyo lumayo si Rachel sa lalake dahil mukhang unaware ito sa lapit niya. Hindi siya komportable. Marahil kasi'y 'di pa niya nararanasang magkanobyo at talagang umiiwas siya sa mga ito. Takot yata siya sa mga lalake. Nakahinga siya nang maluwag nang lumayo na ito at umupo sa isang stool. Medyo ilang pa rin siya dahil nakatingin ito sa ginagawa niya. Ayaw niya pa naman nang may nakatingin sa kanya 'pag may ginagawa siya.
Jakob yawned and brush his hand on his curly long hair. Tiningnan siya ni Rachel. Malapit na ito sa balikat pero ang linis pa rin nitong tingnan kahit hindi nakatali ang buhok. "Gusto mo ba ng kape?" Tanong niya.
"Sige. Thank you." Ngiti nito sa kanya. Jakob has a beautiful smile. Alam siguro ito ng lalake kaya lagi siyang nakangiti, isa pa masayahing tao si Jakob at madaling pakisamahan ang ibang tao.
She made coffee for him and put it in front of him. Jakob sipped from it, "Ang sarap ha." Puri nito. She glanced at him, "Salamat."
"Minsan lang ako makatikim ng barako. Laging instant coffee kasi nasa bahay." Kwento nito.
"Bakit ayaw mong kumuha ng kasambahay?"
"I don't see the need tsaka mag-isa lang naman ako roon at 'di naman ako makalat." Sabi niya. He sipped his coffee again and smile how good Rachel is for making coffee. Kalasa ito ng isa sa mga kape sa coffee shop pero hindi niya mapunto kung ano. "Mahirap bang maging single mom?" He asked her out of the blue.
Napatingin sa kanya ito and kumibit-balikat, "Sa una lang, pero kalaunan nasanay na rin ako."
"Kaya pala ikaw nagbubuhat ng dalawang balde." He joked. "Superwoman ka pala."
BINABASA MO ANG
Right DNA
RomanceJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...