Tatlong beses nang nagbuntong hininga si Jakob. Maaga pa ang pasok niya bukas pero nandito siya at inaabala ng kaibigan niyang si Dan. Napilitan tuloy siyang buksan ang wine na bigay ng pinsan niya galing ng Japan.
"Ikaw ba? Baka umatras ka sa pag-aasawa sa mga kinukwento ko sa'yo." Mahinang natawa si Jakob.
Nilagok niya na nang tuluyan ang wine. "Hindi... I believe my future wife will be the best. Hindi naman Niya ako bibigyan ng isang babae na hiwalay sa will Niya," Sagot niya.
Napatungo si Dan sa sinabi ng kaibigan, "Naku Jakob! Ano bang nangyayari sa'yo? Nitong mga nakaraang taon bigla ka na lang naging santo. Nagseryoso ka na sa simbahan, tapos hindi ka na sumasama sa mga gimik namin, 'di ka na nga rin umiinom!" Tawa nito, "No offense bro ha? Kala ko papainumin mo ako ng wine na nakakalasing dahil may problema ako ngayon sa asawa ko but binigyan mo ako ng zero percent alcohol na wine!"
Natawa lang si Jakob sa sinabi ng kaibigan, "Magpa-Pari ka ba? No, no, I mean magpa-Pastor ka ba?" Tanong ni Dan sa kanya tsaka inubos ang wine sa glass niya.
Para kay Jakob, ang Diyos anf nagbago sa kanya at hindi siya, alam din niyang hindi pa siya ganoon kalalim kagaya ng iba ngunit gusto rin niya noon. Gusto niya pang makilala ang Diyos. "Alam mo naman, we have to honor God in our youth."
"Bro, ayon na nga—" Alam na niya ang sasabihin nito sa dahilan niya. Hindi na nga naman siya kabataan.
"Mapaglilipasan na ako," diretso niya. Napailig na lang siya habang nakangiti. Lahat ng circle of friends niya may mga asawa na, siya na lang talaga ang nahuli sa byahe. "I know, kaya nga I keep on praying."
"Jakob sabi naman namin sa'yo go to club! Tingnan mo si Nick at ako doon nakilala ang mga asawa namin," Napahinto si Dan sa sinabi, "Wag na pala. Baka wala na akong puntahan kapag nag-away ulit kami ni Althea."
"So na-realize mo rin. I don't want to be in trouble," Biro niya.
"Okay naman si Althea... ayon nga lang mahilig magpabili lalo na ngayong buntis siya. Gusto niya i-spoil ko siya, lahat ng makita niya sa internet gusto niyang ipabili," Rant nito, "Ano bang akala niya sa'kin? Banko? Manager ako ng banko but I didn't own a bank! Buti sana kung sa akin ang mga pera roon." Nagsalin ulit si Jakob ng wine sa glass ni Dan para pakalmahin ito, "Bro, nagpapabili siya ng CHANEL na bag galing pang ibang bansa. Sweldo ko na 'yon ng isang buwan," frustrated na sabi nito.
"I'll find a very good woman, Dan. Para kapag may problema ka pareho kaming tutulong sa'yo," Ngiti niya sa kaibigan. Totoo iyon, kahit kailan hindi niya susunurin ang payo ng kaibigan na pumunta ng club—pitong taon na siyang huminto! Balak niya na habang buhay na iyon gawin. Tapos na siya sa phase na iyon at gusto na lang ng tahimik at seryosong buhay. Kung tutuusin, mas gusto niya pang humanap ng mapapangasawa sa simbahan kaysa sa club.
"Alam mo, umuwi ka na at makipag-usap sa kanya. Take my advice at makipagbati na." Ganito siya makipag-catch up sa mga kaibigan, magbibigay ng payo at magco-comfort kapag may problema ang mga ito. Isang araw, mararamdaman niyang hindi na siya huli. Siguro isang araw ibibigay ng Diyos ang hiling niyang asawa at pamilya. Kailangan lang na matututong maghintay.
"Be a good boy in school ha? I love you." Tumalungko si Rachel para yakapin at halikan ang anak niya.
"Bye Mama. See you mamaya. Marami ulit akong stars." Napangiti si Rachel sa willingness ng anak. Hinagod niya ang kulot na buhok ng bata at kinurot ang pisngi na may dimple. Kahit bata pa lang ito kitang-kita na ang tangos ng ilong. Alam ni Rachel na mas kamukha ito ng ama niya dahil palaging sinasabi ng mga tao na hindi niya hawig ang anak niya.
"Okay lang anak kung maraming stars o hindi basta mag-aaral kang mabuti."
"Yes Mama! I love you po!" Hinalikan pa siya nito sa pisngi tsaka tumakbo patungong classroom kung saan nag-aabang ang teacher nito sa pintuan. In-enroll niya si Cross sa isang pribadong kinder garten. Kahit apat na taon pa lang ito pinasok na niya sa paaralan dahil advance ang utak ng bata. Mas mataas ang IQ at EQ nito kumpara sa iba at isa pa mas pabor ito sa kanya na nasa eskwelahan si Cross, nakakapasok na siya sa trabaho nang hindi niya kailangan iwan sa magulang ang anak at uuwi tuwing weekend para lang makasama ito. Sa ngayon ay nasa iisang apartment na sila at nagkikita araw-araw, gusto rin niya kasing matutukan ang anak at sa kanya unang humingi ng tulong hindi sa iba dahil siya ang ina nito. Nakangiting pinapanood ni Rachel ang anak papasok ng classroom. Bago siya pumasok sa trabaho may pupuntahan pa siya at dadalhan ng regalo.
BINABASA MO ANG
Right DNA
RomansaJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...