Chapter 6

127 14 1
                                    

Umalis na sila sa pool at pinaliguan ni Rachel si Cross. Nang matapos ay naiwan muna siya sa loob para ayusin ang mga gamit nila at hinayaan ang bata na maglibot sa loob ng bahay. She sighed. Gusto niyang tanungin si Heidi tungkol sa kanyang bagabag pero napagdesisyunan niyang huwag na. Tingin niya ay baka curious lang siya. Ayaw niya nang palakihin ang bagay na gumugulo sa kanya. Mawawalan lang siya ng kapayapaan.


Pinipitas ni Jakob ang ilang gulay sa kanyang garden, pakiramdam niya kasi hindi kukuha si Rachel kahit pa sinabi niyang puwede. Maayos naman makisama si Rachel, ngunit pakiramdam niya ay naglalagay ito ng distansya. "Tito, ano pong ginagawa niyo?" Lumingon siya sa kinaroroonan ni Cross. "Cross," tawag niya. Agad lumapit ang bata, "Namimitas ako ng gulay para sa inyo."

"Talaga po? Pwede rin po ba akong mamitas?"

Napangiti si Jakob, "Sure... ito 'yung pipitasin mo. Tapos pa-ganito." Walang naging problema sa pamimitas si Cross dahil natutuhan niya agad. Nang matapos sila ay halos na wash out ang mga bunga, ngunit ayos lang sa kanya dahil na-enjoy niyang kasama si Cross, isa pa ay tutubo rin naman ulit ang mga gulay.

   "Sa susunod Cross mamitas naman tayo ng mangga ha? Tuturuan kita kung paano."

Nagliwanag ang mga mata ni Cross, "Tuturuan niyo po akong umakyat ng puno?"

    "Gusto mo ba?" Tanong niya.

"E, hindi ako pinapayagan ni Mama. Baka raw malaglag lang ako."

   "Hmm... may point ang mama mo. Baka mabalian ka pa ng buto 'pag nagkataon."

"Nandiyan naman po kayo. Ayusin niyo na lang ulit buto ko," Napatawa si Jakob sa biro ng bata. Ginulo niya ang buhok ng bata at kinurot ang pisngi, "Ikaw talaga masyado kang matalino... naalala ko tuloy sarili ko sa'yo noong bata ako."

   "Bakit? Ano ka po ba noong bata ka?"

"Dinahilan ko rin 'yan sa Dad ko noong bata ako." Kuwento niya.

   "May daddy po kayo?" Tanong ng bata, "Kamukha niyo rin po ba daddy mo?"

"Oo naman." He smiled,

   "As in kamukhang-kamukha mo po?"

"O–o?" Hindi sigurado niyang sagot.

   "Edi kamukha ko rin po daddy niyo kasi magkamukha po tayo," Binuhat niya si Cross at dinala ang mga gulay gamit ang kabilang kamay.

"Tito Jakob ano pong feeling ng may daddy?" Napahinto si Jakob at tiningnan sa mata ang bata.

   "Hinahanap mo ba daddy mo, Cross?"

"Tito Jakob 'wag po kayo mag-answer ng question sa tanong ko," Sagot nito.

Natawa si Jakob, "Sige po," sagot niya, "Pero masaya magkaroon ng daddy lalo na kapag magkasundo kami sa mga bagay-bagay. Siya kalaro ko, siya rin nagturo sa'kin mag-swimming."

   "Para pong ikaw! Lagi kang nakikipaglaro sa'kin galing work mo tapos tinuruan mo akong mag-swimming... kaso 'di kita daddy."

"Cross, pwede mo naman akong maging daddy. Pwede kong gawin ginagawa ng isang tatay," Alok niya, "Payag ka ba?"

Tiningnan siya saglit ng bata, "E 'di mo naman girlfriend si Mama. 'Di mo nga siya nililigawan," Kumamot pa ito sa ulo.

Napatawa si Jakob sa sinabi ng bata, "Gusto mo ba ligawan ko Mama mo?"

Nanlaki ang mata ng bata, "Joke lang. Basta, kahit hindi mo ko daddy gagawin ko ang isang ginagawa ng tatay para sa'yo," Hinalikan niya sa pisngi ang bata at hinigpitan ang pagkakabuhat dito. Natuwa si Jakob dahil niyakap siya ng bata at humilig pa sa leeg niya.






Right DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon