Rachel is trying to concentrate while reading the article that she need to revise. Tinanggal niya ang salamin sa mata at diniinan ang sentido. She heaved a sigh. Hindi naman dahil sa trabaho kung bakit masakit ang ulo niya kundi dahil kay Jakob!
Yesterday while they were talking she had a chance to know him more and the more she know him the more she feel weird. The more she see Jakob and Cross' resemblance. "God, hindi ko na alam..." she prayed.
Nakuwento sa kanya ni Cross noon na paborito rin nito ang barbeque. And she learned yesterday about his hobbies which is biking and swimming. Cross love biking and because he learned how to swim, the little guy want to save money to buy an inflatable pool. Isa pa, parehong-pareho ang gestures nila. Kung paano sila mangalumbaba at mag-ayos ng buhok. Maybe, nag-o-overthink lang ako?
Nilapit ni Jenny ang mukha niya sa monitor at kinunot ang noo. Hinahanap niya kung ano ang kinakukunot ng noon ni Rachel. "Jenny anong ginagawa mo?" Tanong ni Rachel at lumayo. "Ikaw naman kasi Rachel nakakunot sobra 'yung noo mo kala akala ko may problema sa ginagawa mo. Mukhang wala naman pala." Jenny crossed her arms. "Ano na namang problema?"
"Wala," she shrugged and pretend that she's busy.
"Hoy babae kilala kita. Anong wala ha?"
She sighed and stared at her, "Si Cross."
"Si Cross? Oh ano nangyari sa anak mo? May nangyari bang masama?!" Alalang tanong nito.
"Wala. Wala Jenny. Naalala mo ba 'yung picture ng doktor na sabi mo kamukha ni Cross."
"Oo naman Rachel. Bakit ko makakalimutan si Dr. Hertez." She blushed and chuckled.
She sighed at her reaction, "Talaga naman! Hindi nakalimutan ang pangalan basta gwapo." Tuya ni Rachel, "Basta. Siya 'yon. Inaya niya kasi akong magkape kahapon—" nagulat ito nang biglan lumapit si Jenny sa kanya at nag-aabang ng chika, "Sandali lang. maghunos-dili ka. Ayon na nga, nagtataka ako sa pagkakamukha nila ni Cross. Parang may iba kasi."
"First of all Rachel. I'm so happy for you baka siya na si 'the one' and second, baka nagkataon lang o baka siya talaga. Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin 'di ba?"
She shook her head in Jenny advice, "Bawal 'yon. Nakalagay sa kontrata na walang rights and tunay niyang ama unless—"
"Iyon naman pala e anong pinag-aalala mo? Kung 'di mo rin lang makukumpirma bakit triggered ka diyan?"
"Syempre Jenny ina ko ni Cross."
"At takot kang mawala sa'yo anak mo?" Jenny confirmed, "Rachel hindi mawawala si Cross sa'yo. Ayon sa batas sa ganitong edad sa'yo ang bata. At naku! Kahit sino pang santo iharap sa anak mo ikaw pipiliin no'n. Ina ka niya. Ikaw nagluwal at nag-alaga sa kanya mag-isa. Kaya don't worry, ha?" Jenny pat her shoulder. "Salamat ha? Siguro nga natatakot lang ako."
"Ganoon talaga. Mother's insitinct," She smiled.
Sinubukan ni Rachel magpaalam nang maaga sa pagbabaka-sakaling hindi niya maabutan si Jakob doon pero mukhang palpak ang plano niya nang makita niyang magkasama na ang dalawa. Tumuloy na siya sa paglalakad at dismayang kinagat ang ibabang labi. Ayaw niya na rin magpunta rito si Jakob dahil noong nakaraan, nang kunin niya ang report card nang bata narinig niya ang ilang mga staff na nag-uusap tungkol sa 'tatay' daw ni Cross at kung bakit ngayon lang nila ito nakita. Hindi niya na lang pinansin ang mga tsismis dahil alam niyang hindi niya kailangan magpaliwanag sa kanila. Hindi niya na trabaho iyon.
Pilit siyang ngumiti nang makita siya ng dalawa, "Hatid ko na kayo?" Sabi ni Jakob.
"H-hindi na... may pupuntahan pa kasi kami ni Cross." Mabilis niyang sagot. She hope Jakob will buy her reason. "Ganoon ba? Hatid ko na lang din kayo doon." Suhestiyon niya ulit. Umiling si Rachel, "Wag na Jakob. Masyadong nakakaabala 'yon tsaka malayo iyon dito."
BINABASA MO ANG
Right DNA
RomanceJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...