"Ma'am traffic po, kaya iiba po tayo ng ruta." Sabi ng taxi driver kay Rachel.
"A-ah... sige po." Tango niya. Tiningnan niya ang phone niya at halos magna-nine na ng gabi. Ayos lang naman dahil nasa magulang niya si Cross, hindi niya kailangan magmadali. Tumingin siya kung saan niliko ng driver ang sasakyan. Hindi ito pamilyar sa kanya.
"Manong mas malapit po ba rito?"
"Opo ma'am," Ito lang ang sagot sa kanya. Tiningnan niya ang driver tsaka ibinaling sa labas ang tingin niya. She open her navigation for someone to track her. Hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya. Maya-maya pa ay medyo bumilis ang kanilang takbo. Mas nagiging malayo sa mga kabahayan ang lugar. "Manong, parang mas malayo pa 'yung daan na 'to."
"Hindi po ma'am. Malapit 'to." Hindi na siya nagtitiwala sa driver kaya napagdesisyonan na lang niyang bumaba. "Para na po. Dito na lang."
"Ma'am?" Tanong nito sa kanya.
"Ibaba niyo na po ako rito." Sabi niya. Agad namang sumunod ang driver at nilapag niya sa upuan ang bayad tsaka mabilis lumabas at naglakad. Akala niya ay wala ng pakialam ang driver pero narinig niya ang pintuan nito na bumukas at sumarado rin. Nanlaki ang mga mata ni Rachel at mas mabilis na naglakad. "Lord, please." Iyon na lang ang nasabi niya dahil sinusundan siya ng driver sa paglalakad. Nahihirapan man ay tumakbo na siya pero bago pa siya tuluyang makalayo ay hinablot nito ang palapulusuhan niya at hinila siya papalapit sa katawan nito, "Wag kang sisigaw, ibigay mo sa'kin pera mo." She squealed but immediately quieted herself. She calmed herself down to think straightly.
Naramdaman niyang may tinutok sa tagliran niya. Hindi niya alam kung ano iyon. "Ma'am ibigay mo lang sa'kin lahat ng meron ka sa bag mo palalayain kita." She didn't answer but just freeze thinking. Pa'no ba ang self-defense ni Cross? Lord, please... she prayed.
Rachel rapidly turn and hit the driver where the sun doesn't shine as she immediately run. "Tulong!" Sigaw niya. Alam niyang sandali lang ay makaka-recover na ito. Hindi niya alam kung saan siya lumiko nang biglang may pares ng kamay na humila sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Madiin niyang pinikit ang mga mata at tinaggap na lang kung anong magiging kapalaran niya nang ilang sandali ay walang nangyari. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mata at nakita si Dr. Hertez na nag-aalalang nakatitig sa kanya. He pressed her toward the wall while his other hand blocks her side and the other is in her lips. "Shhh..." sabi nito sa kanya. Tumango siya. Alam niya ang sinasabi nito. Tinanggal ni Jakob ang kamay niya sa bibig ni Rachel. "Are you okay?" He mouthed. Again, she nodded as her heartbeat fast.
Narinig nilang may tumatakbong papalapit sa kanila. Jakob look at her as if giving her a warning to stay there. Lumakad si Jakob para puntahan ang driver kaya hinila niya ang sleeve ng polo nito. She shook her head telling him not to go. But he mouthed to her that it's fine. Nalagpasan sila ng driver pero huminto rin di kalayuan sa kanila. Ngayon lang nakita ni Rachel ang patalim na dala ng driver. Her heart beat fast as she watches Jakob warily go behind the driver. He turns around and gave him a hard kick in the back. She covered her mouth immediately trying to silence herself.
Nakita niyang napahiga ang driver sa lupa at nabitawan ang patalim. Kukunin na sana ito ng driver pero tumakbo si Jakob at sinipa ito sa malayo. He goes back to the man who's barely standing and hold him and throw him down. Umaalma pa ang lalaki pero sinuntok siya ni Jakob nang malakas na nakapag-patulog rito.
Rachel's heart is thumping so fast. Jakob flipped the guy, dinaganan ito at kinuha ang parehong kamay. Rachel carefully goes to Jakob's side. "Tumawag ka na ng pulis." Nanginginig siya sa takot pero nagawa niyang tumawag ng pulis. Sa di kalayuan ay may mga tambak na gamit para sa ginagawang bahay at humanap si Rachel doon ng tali while Jakob is still pinning the unconscious guy down.
Parang hangin na dumaan ang mga pangyayari pagkatapos noon at natagpuan niya ang sarili na nasa Police Station. Tapos na ang interview sa kanya at hindi na rin siya makapagsalita ng marami. Pagod na siya at gusto na niyang matulog. Hinintay niya si Jakob na lumabas, kausap pa nito ang isang officer. "Gamutin natin 'yung sugat mo." Sabi nito sa kanya. "H-ha?"
"Tara sa sasakyan," aya nito. Agad siyang sumunod patungo sa sasakyan ni Jakob. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Kanina lang ay wala siyang tiwala rito pero ngayon ramdam niya na protektado siya. Kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya sa Diyos na hindi siya pinabayaan kundi baka wala ng Mama si Cross ngayon.
Nahihiya si Rachel dahil kanina ay sinungitan niya si Jakob pero wala na siyang magagawa, "S-sorry kanina... kung sinungitan kita," pasimula niya, "Ikaw pa pala magliligtas sa'kin." She look down at her fiddling fingers. Jakob smiled warmly, "Ayos lang. Alam kong nag-iingat ka," sagot nito, "Pero sa susunod magpahatid ka na, ha?" Biro nito. A small smile crept at her face. He took a first aid kit in and dabbed the cotton in an antiseptic. Dahan-dahan nitong dinampian ang pisngi niya na may galos sunod ang kamay niyang may kaunting gasgas. Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng nga sugat.
"Linisin mo rin 'yung paa mo." Binigay sa kanya ni Jakob ang isang cotton ball. Tiningnan niya ang paa niya at napangiwi. Puro sugat ito dahil sa pagtakbo niya. Sa susunod ay hindi na talaga siya maghi-heels. She winced.
He waited for her to finish before he started the engine. "Salamat..." he took the cotton balls and put it on the garbage inside his car, "Sanay ka palang mag-taekwondo."
"For self-defense. Pero ngayon ko lang siya nagamit," sabi ni Jakob, "Buti si Cross pinasok mo siya sa Judo school. Mukhang mommy niya kailangan na rin mag-Judo," biro nito. Natawa siya sa sinabi ni Jakob, "Oo nga..." she was silent for a second, "Parang ayokong ikwento 'to sa kanila." sabi niya.
"I think they will understand. Pero kung ayaw mo talagang sabihin ayos lang, nandito naman ako kung kailangan mo ng kausap tungkol sa bagay na 'to," sagot nito sa kanya.
"Salamat talaga doc—"
"Jakob. Masyadong pormal ang doc." He cut in.
"Jakob." Pagtatama niya, "Thank you Jakob tsaka sorry talaga kanina."
He chuckled that made Rachel raise an eyebrow, "Kanina ka pa nagso-sorry. Okay lang 'yon. Naiintindihan kita." Rachel's lips formed a smile while caressing her knuckles. It's a long night for her.
Sinamahan si Rachel ni Jakob hanggang sa unit niya ngunit iniwan niyang bukas ang pinto. Pinapasok niya muna ito sandali at inalok magkape na tinanggap naman ni Jakob. Pabalik na siya sa sala at nakita niya itong pinagmamasdan ang mga litrato nila ni Cross at malaki ang ngiti nito sa labi. "Two years old siya diyan. Nagpunta kami sa La Union." Kwento niya.
"Sobrang cute ng anak mo." He told her.
"Salamat. Pero maraming nagsasabi na hindi ko siya hawig, malamang sa tatay niya nakuha ang hitsura niya." She absent mindedly said tsaka nilapag ang kape sa lamesa. Napatingin si Jakob sa kanya. He's very curious where's Cross' father. "Siguro dopple ganger ko 'yung daddy niya." Saglit na napahinto si Rachel sa pag-inom ng kape niya. Parang nag-acid bigla ang tiyan pero hindi pa naman marami ang nainom niya.
Napansin ni Jakob ang reaksyon ni Rachel nang sabihin niya iyon kaya iniba niya ang topic, "Ang sarap ng kape, ha. Anong brand 'to?"
"Mochalatté." Tipid nitong sagot. "Anong probinsya niyo?" He asked out of the blue.
"Cavite."
Sandali pang nag-stay si Jakob doon at nakipagkwentuhan tungkol kay Cross. "Mauna na ako," hinatid siya ni Rachel sa pintuan, "Salamat sa pa-kape." Tumango lang ito. "Um... Rachel..." he called scratching the back of his neck. She stared at him waiting for what he's going to say, "Kung kailangan mo ng kausap tungkol dito, sabihan mo lang ako. Sana 'wag mo 'tong dalhin mag-isa." Isang maamong ngiti ang pumunit sa mukha ni Rachel. Jakob was captivated by her smile. "Salamat... tsaka salamat din sa pagliligtas mo sa akin."
"You're welcome." He smiled shyly and took some steps backward, "Lock your door." She nodded and waved her hand. Hindi agad umalis si Jakob hanggang masiguro niya na naka-lock ang pinto nito. That night is indeed unforgettable for him and her.
BINABASA MO ANG
Right DNA
عاطفيةJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...