Chapter 11

120 7 0
                                    

Bumagyo. Rinig na rinig kahit sa loob ng apartment ang lakas ng kulog at kidlat. Sabi sa balita kanina ay madaling araw daw ito dadating, pero napaaga ang dating ng bagyo. Kanina naman ay mainit ngunit nang pauwi na si Jakob biglang lumakas ang ulan. "Patilain mo kaya muna 'yung ulan? Para safe kang makauwi." Suhestiyon ni Rachel. "Dito ka na rin mag-dinner. Maghahain lang ako." Ngiti nito sa kanya. It was a cold night. Kita sa apartment window  na baha na sa ilang parte ng kalsada dahil na rin sa ilang baradong drainage.




He tried to help Rachel to arrange the table but she refused because she said that Jakob already cleaned up for her baking mess. Natapos niya na ring tulungan si Cross sa homework. He sat on the sofa with the kid and showed him some videos of Glade playing freesbie with him.


Biglang dumilim ang paligid. "Mama!" Sigaw ni Cross. "Shh... nandito lang ako anak." Pag-aalo ni Rachel. Jakob opened his flashlight and she did too. "It's  a sudden brown out." He said. Rachel go inside their room to get a flashlight. "Wala namang sinabing signal 'di ba?"


"Wala. Pero siguro dahil na rin sa lakas ng hangin kaya nag-brown out. Ang lakas kasi ng ulan na 'to." Binuksan niya ang flashlight, buti na lang at laging full charged ito, pero dim lang sa paligid at hindi na ganoon kalakas. "Kumain na tayo." They encircled in the table and Cross prayed for the food. "Papa God, thank You po sa food and thank You din po kasi kasama namin si Tito Jakob para mag-dinner at buti po 'di pa siya nakauwi agad kundi po mahihirapan siya. Bless this food. In Jesus' name, amen!" Jakob smiled at Cross' prayer. He's right. Siguradong mahihirapan din siya makauwi at magugutom dahil ma-i-stranded siya sa bahang daan. At least here, he can stay warm and eat. He thought.

Jakob tasted the Bulanglang that Rachel cooked. "It's good!" He remarked. Bilang lang sa darili ang mga pagkakataong nakakain siya ng bulanglang. And he's surprised to see Cross eating all vegan food. Alam niya kasing bihira sa mga bata ang kumakain ng gulay. "Talaga po Tito. Masarap kaya magluto si Mama."

"Oo nga. Sana araw-araw natitikman ko luto ng Mama mo." Biro pa niya. Nangiti naman si Rachel sa sinabi ni Jakob.

"Naku, bulero kayong dalawa. Kumain kayo nang kumain dahil mabilis lalamig ang sabaw." Sabi niya.



10:00 P.M. Jakob was still stranded in this house. He's watching the rain from the 3rd floor apartment's window and is thankful na free feeding si Glade kung hindi mapipilitan siyang sumuong sa ulan. Mas malakas pa kaysa kanina ang ulan. Maririnig rin ang ilang busina ng mga sasakyang hindi na makausad. "Jakob gamitin mo muna 'to at umidlip ka. Baka kasi mamaya pa humina 'yung ulan. Magpahinga ka muna." He spun around and saw Rachel arranging some pillows and a blanket for him. "Pasensya ka na at dito ka lang makakapagpahinga. Mukha pa namang hindi ka kasya."

Lumapit siya rito, "No it's fine. Salamat and pasensya na sa abala."

"Wala 'yon." Ngiti nito.

"Tulog na si Cross?"

"Nagpapaantok na." She answered. "Ah teka. Gusto mo bang ng gatas or hot choco? Para hindi ka masyadong ginawin." Agad-agad pumunta ng kusina si Rachel.

"Gatas. Thank you." He smiled. Pinanood niya lang ito na pinagtitimpla siya ng gatas. Halata sa personality ni Rachel na masyado siyang maalaga, kahit sa ibang tao nagma-manifest.

Inabot sa kanya ni Rachel ang gatas at naupo sa tabi nito. "Gusto mo bang magpalit ng shorts para mas komportable ka? May basketball shorts ako dito na malaki, baka kasya sa'yo. Or kaya malaking t-shirt?" Suhestiyon niya. Napangiti ulit siya. Rachel raised a brow, "Oh? Bakit ka napapangiti diyan?"

"Ikaw kasi e." He chuckled.

"Ako? Bakit? May nasabi ba akong nakakatawa?" She innocently said.

He shook his haid with a smile on his lips, "Wala. Kung asikasuhin mo kasi ako para akong asawa mo." He laughed. Nahinto siya ng pagtawa nang paluin siya ni Rachel sa braso, "Bakit? Nagbibiro lang ako." Tawa niya.

Right DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon