Kahit pagod dahil maghapon siya sa ER, puno ng ngiti si Jakob buong maghapon. Pakiramdam niya na-recharge siya kahapon dahil kay Cross. He doesn't know this kind of happiness and this is very alien to him yet he craved more of this feeling. Last night he even asked the Lord if that's the feeling of having his own family, he was startled by his thought thinking like that about them but he can't help it. "Doc, ngiting-ngiti ka maghapon a!" Pansin ni Cheena. That made him smile more. Napatingin naman ang iba niyang kasamahan sa kanya. "Kahit nag-aayos ka ng buto parang abot sa langit ngiti mo," He did the final pull at then done, he heard the man grunt achingly.
Kinuha niya ang alcohol at pinaliguan ang kamay niya nito, "Masaya lang ako,"sagot niya.
"Bakit? May girlfriend ka na?" Tanong ni Martha. He laughed at her question, "Bakit niyo naman ho naisip 'yon?"
"Syempre wala namang ibang makapag papangiti ng ganyan sa isang tao kung in love siya." Sagot nito, tsaka nagtuloy sa pagsusulat "Ano po doc? In love ka?" Tanong ni Cheena at nakatingin ito sa kanya na nag-aabang ng sagot.
"Wala... nakasama ko lang si Cross kahapon."
Biglang napahinto si Martha sa pagsusulat at tumingin kay Jakob, "Yung batang kamukha mo?" He nodded. Binaba niya ang hawak na ballpen at inalis ang salamin para tsaka nilinis ito gamit ang damit niya, "Jakob, na-attach ka na ba sa bata? Hindi ba't may ama iyon?" Tanong ni Martha.
"Martha, 'wag po kayong mag-alala. Wala siyang tatay tsaka kaibigan ko lang naman sila." He shrugged, "Wala namang mawawala. Plus, close na kami ng bata." Sinundan na lang ni Martha sa tingin si Jakob palabas ng kuwarto.
Cross is waiting at the same spot where Jakob saw him waiting yesterday. Ito yata ang spot ni Cross parati, pero this time nasa kabilang duyan ang bag nito at ngumunguya ang bata ng snacks mula sa lunch box niya. Hindi niya napnsing nakangiti pala siya habang naglalakad patungo sa bata. Hindi pa rin siya makapaniwala, dahil pakiramdam niya nakatingin siya sa batang siya kapag nakikita si Cross.
Napansin yata siya ng bata kaya tumingin ito sa likod, "Tito Jakob!" Cross happily said.
"Hey there buddy." He kneeled and ruffled his curly hair. "Bakit wala na namang tali ang buhok mo?" Tanong niya.
"Si Brittany po kasi hinawakan buhok ko tapos napigtas niya 'yung tali." He chuckled, "Bakit? Problema ba mga babae?"
Cross nodded at his question that made Jakob laugh. Kahit bata pa lang ito sinusundan na ng mga kababaihan, "Si Mama lang naman babaeng hindi problema." Sagot nito pagkatapos nguyain ang kinakain. Tiningnan niya ito, isang bento box. Napangiti siya sa nakita, may mga faces and designs pa na cartoons ang pagkain nito. "Talaga?"
"Opo. Siya nga umiintindi sa'kin... gusto mo Tito Jakob?" Alok ni Cross sa kanya at inabot ang baunan. Kumuha siya ng rice ball at tinikman. Masarap ang luto ni Rachel. "Masarap po 'di ba?"
"Oo. Ang galing palang magluto ng mama mo." Nginitian siya nito at tumuloy kumain. "Bakit nga pala 'di mo naubos lunch mo?"
"Wala po kasi si Kurt."
"Sino si Kurt?"
"Kaibigan ko po. Ginagawan siya ng extra ni Mama kasi pinag-aaral lang dito si Kurt tapos sabi ni Mama share-an ko si Kurt ng foods." Naintindihan niya ang sinasabi ni Cross. Si Kurt ay isang scholar, at gumagawa ng extra-baon si Rachel para kay Kurt.
"That's good then. Pero kaya mo bang ubusin lahat 'yan?"
"Binigyan ko na po si Manong guard. Busog na nga raw po siya e. Kaya ikaw naman po, sana mabusog ka ng luto ni Mama with love!"
"With love?" He amusedly laugh.
"Opo. Sabi ni Mama lagi siyang nagluluto with love kaya masarap."
BINABASA MO ANG
Right DNA
RomanceJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...