Chapter 4

153 12 0
                                    

"Mama bigay po ng teacher namin." Iyon ang unang sinabi ni Cross sa kanya habang papalapit ito. Sinundo niya ang anak mula sa eskuwelahan dahil ngayong araw ay maaga siya hindi katulad noong nakaraang linggo na lagi siyang late sa pagsundo rito. Hinawakan niya ang kamay ng bata at kinuha ang inaabot nitong papel. "The Healthy You Seminar?" Tiningnan niya pa ang nakalagay sa loob. Imbitasyon ito sa mga bata na pumunta sa seminar sa isang araw. Sa loob ng school lang ito gagawin at may mga invited na doktor para mag-speak sa kanila. May mga fun activities din para hindi ma-bore ang mga bata. She scanned the list of doctors and shoved the invitation in her bag. Naglakad na siya habang hawak ang kamay ng anak palabas ng school para mag-abang ng taxi.

Kakatapos niya lang linisan ng katawan si Cross at ngayon naman ay naghahanda siya ng hapunan nilang mag-ina at ang bata ay nasa sala at naglalaro. "Anak kakain na tayo. Tabi mo muna mga toys mo." They eat in sala. Dahil sila lang naman at wala namang laging bumibisita sa kanila ay hindi na siya humanap ng malaking apartment na may dining area. It was a small space, enough for both of them. May isang kwarto at maliit na C.R. Sa tabi nito ang kusina at may maliit na space para sa sala. Noong nakuha nila ito ay pinapinturahan niya ang buong bahay ng all white, nagdagdag ng ilang indoor plants at inayos niya ang interior.

Nilapag niya sa lamesa ang pagkain at umupo si Cross sa tabi niya. "Wow barbeque!" Sabi ng bata, "Syempre, favorite mo 'yan kaya iyan ang niluto ko." She said and slightly pinch Cross' nose. Nilagyan niya ng kanin ang anak at piniraso ang ulam para rito. Ever since Cross learned to hold the spoon she taught him how to ear by himself. Siguro nga ay masyadong maaga ang pagturo niya rito kaya ngayon pakiramdam niya ay maaga rin itong magiging independent.

"Mama eat ka na rin," mostra nito sa kanya. She smiled and ruffled his hair. Ganito lagi ito, pakiramdam niya nga minsan ay mas matanda si Cross dahil he always look after her and he always tell something to her that she didn't know. They enjoyed their meal together, one of the best time Rachel loves.




"Okay kids. Pila na kayo rito tapos pupunta na tayo sa activity area para ma-meet ang mga doctors." Cross immediately followed his teacher with excitement. Sa lahat ng bata, siya ang pinaka-excited ngayong araw.

"Teacher I don't like doctors!"

"They are scary ..."

"I want to go home. Doctors are monster."

Kanya-kanyang reklamo ang mga bata. If they only knew how fun it is to learn science. "Cross, bakit ka nakangiti 'di ka ba takot sa kanila?" Tanong ni Bruce na nasa unahan ni Cross sa pila.

"Hindi. Mabait ang mga doctors. Tinutulungan nila tayo para gumaling." Sagot ni Cross.

Napataas ang kilay ni Bruce at kinamot ang ulo, "Nge? Scary kaya sila. May in-i-erject sila. Masakit!"

"Inject 'yon," pagtatama niya. Natatawa si Cross sa kaklaseng si Bruce, "Good sila. Tingnan mo mamaya." Paghahamon niya. "Sabi ni Audrey nakakatakot daw doctors kasi may pamukpok sila sa buto, tsaka may guns para sa buto! Tapos 'yung mga dentist may drill!" Sabad ni Chelsea tsaka niyakap si Cross, animong natatakot. Umilag si Cross kay Chelsea at tinanggal ang kamay nito na nakayakap sa kanya, "Chelsea 'di naman nila ako nisaktan noong na-accident tayo ah! Tsaka sila nga reason kaya okay ako, oh?" Sabi niya sabay turo sa braso niyang magaling na. "Really? I love them na Cross because they healed you!" Chelsea screamed and hug Cross again. "Chelsea 'wag mo akong yakapin," Cross exclaimed. He sighed when Chelsea doesn't budge. "Alam mo Cross, may crush siguro sa'yo si Chelsea." Napakamot na lang ng ulo si Cross sa sinabi nito.



Cross enjoyed the whole day seminar. Even most of the kids do. They colored, dance, made some food, play and did some fun activities. Ang akala ng mga kids ay boring thing turned out to be the best thing!

Right DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon