Chapter 2

162 17 4
                                    

Jakob stared at the little boy. He was surprised to see him personally. Ito rin siguro ang naramdaman nina Cheena at Ara. Nabalik siya sa katotohanan nang magsalita si Ashley, "Ninong I want this!"

"Look Ash, nauna siya sa'yo," paliwanag niya sa bata.

"Okay lang po. 'Di ko naman masyadong kailangan 'yung toy." Nasorpresa siya nang magsalita ang bata. Napatingin ulit si Jakob dito. His features are the same as him. His nose, his eyes, his hair— they are the same! He feels like he's meeting with his child version. "A-are you sure?"

Tumango ang bata, "Pipili na lang po ako ng iba," sagot nito.

"Okay... thank you and sorry for her actions," he apologized.

"It's okay po. She's younger than me and she like it so much." Napangiti si Jakob sa sinabi nito at hinagod ang buhok ng bata. "Maraming salamat." Hindi na ito sumagot at tumalikod. Binuhat niya si Ashley at sinundan ng tingin ang bata. He forgot to ask his name but he doubt the kid will tell him.

Nakita niya ang bata na lumapit sa isang petite na babae at hinawakan ang kamay nito. Nag-usap sila saglit at saka sumakay ng escalator pababa. He don't know what he feel inside him but that kid brought delight in his heart. Jakob didn't know that he's smiling wide while staring at the figure of the kid.




Pumunta sina Rachel at Cross sa bookstore kagaya ng lagi nilang ginagawa tuwing pupunta sa mall. Kada suweldo niya ay binibilhan niya ng libro si Cross. Nagtaka siya dahil lumapit sa kanya ang bata at sinabing hindi na 'yung laruang doctor set ang bibilhin niya kundi gusto na lang daw niya ng libro tungkol sa human anatomy. Nagulat naman siya dahil parang masyadong advance na ang pag-aaral ng human anatomy.

Tinuro ni Cross ang isang human anatomy poster na hindi niya mabilang kung ilang daan ang labels na nakalagay. She's shocked, "Ma bilhin na natin. Excited na akong kabisaduhin."

"Kabisaduhin? Kaya mo na bang kabisaduhin lahat 'yan?"

"Mama maniwala ka sa'kin. 'Di ba sabi mo God made me genius?" Napatango na lang siya sa sinabi ng bata, "Anak 'wag ka naman mag-aral masyado. Mag-enjoy ka naman," Sabi niya. Ang hobby ni Cross ay magbasa nang magbasa. He learn and learn, he also play but most of the time he read.

"Mama enjoy naman po ako sa ganito. Mas masaya pa nga kaysa nagpe-play." Wala na siyang nagawa at binili na rin ito kasama ng ilang mga libro para kay Cross.





Rachel is thoroughly reviewing the papers in front of her when her phone rang. It's the number of Cross' school, "Hello?"

"Ms. Ramirez we have an emergency. Nandito po kami ngayon sa Children's Care Hospital. Naaksidente po kasi si Cross at nabalian ng buto." Napatayo si Rachel sa kaba at hindi agad nakapagsalita. Tinanong pa siya sa kabilang linya kung ayos lang siya pero agad na niyang pinatay ang tawag at nagmamadaling tumakbo papuntang elevator. Her heart is thumping wildly in her chest. She don't know what to think. She's so scared. Hindi niya alam kung anong buto ang nabali sa anak at kung saan. She's praying to God that he's okay. Lahat na masamang mangyari sa kanya, 'wag lang sa anak niya. God knows how much she loves him and she know that God loves Cross more than her so she prayed hard as tears started to form in her eyes.






Umiiyak karamihan ng mga bata sa emergency ward. Anim na babae at tanging si Cross lang ang lalake na naroon at kaisa-isang hindi umiiyak. "Cross, sure ka bang hihintayin natin ang mommy mo o dadalhin ka na sa casting room?" Tanong sa kanya ng school nurse nila na kasamang nagdala sa bata. Cross stared at the woman and shook his head. Nag-aalala na kasi ang mga nurse dahil dapat nasa casting room na ang bata pero ayaw nito hanggang wala ang Mama niya. Tinitiis ni Cross ang sakit at halata ito sa kanya dahil parang naging ahas ang  braso ng bata. "Cross dalhin ka na namin doon tapos papadiretsuhin natin Mommy mo." Sabi sa kanya ng guro niya.

Right DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon