When they get there Rachel's whole family is already there. Nagulat sila nang makita nito si Jakob na buhat-buhat si Cross. Napahinto pa nga ang mga ito at napanganga. Rachel wanted to face palm. Them seeing Jakob is a total disaster. Alam niyang pupuntiryahin sila. Pero ano nga bang magagawa niya dahil request ito ni Cross?
Mabilis nakasundo ni Jakob ang pamilya niya. Ito pa nga ang nag-iihaw ng isda at pusit at si Cross nakadikit nang nakadikit dito. She sat on the sand and stared at the sun that's almost setting. "Hoy babae ka! Sabihin mo nga, tatay 'yon ni Cross ano?" Sabi sa kanya ng pinsan niyang si Aimee. Inirapan niya ito at umiling. "Sus! E sino siya sa buhay mo? Bakit kung makadikit anak mo parang ama niya 'yung tao?" Wala talagang filter magsalita si Aimee. Ka-close niya naman ang pinsan niyang ito, ang ayaw niya lang talaga ay sumobra ang pagiging chismosa nito. Hindi na niya sinagot ang pinsan dahil kapag sinagot niya pa hindi matitigil ang tanong nito, "Rachel lukso ng dugo siguro nararamdaman ni Cross. Kanina pa karga-karga ni Jakob e! Tingnan mo si tatay gustong-gusto siya oh!" Turo pa nito sa tiyuhin niya. Tiningnan niya kung ano ginagawa nito. Ang lakas ng boses nito at binibiro si Jakob, 'yung isa naman game na game makisakay sa kalokohan ng tito niya. "Wag ka magmukmok diyan 'di 'yan nakakaganda. Pumunta ka na roon." Kinuha ni Aimee ang braso niya at inaya siya. Wala naman na kasi siyang matutulong dahil tapos na niyang hugasan ang mga pinagkainan. Tanging kutkutin na lang ang nakahain doon. "Mama sabi ni Lolo mag-fishing daw po kami kasama si Tito Jakob." Sabi ni Cross.
"Oo nga Rachel! Kami munang mga boys aalis ha. Para maranasan din ni Jakob buhay probinsya." Malapit lang naman sa Manila ang Ternate, Cavite kung nasaan sila ngayon. Dahil hindi naman bakasyon walang gaanong tao sa beach. "Sige po. Basta ingatan niyo si Cross ha?" Paalala niya.
"Syempre naman Mama. Safe po ako with Tito Jakob tsaka tinuruan niya na rin po ako mag-swim 'di ba?" Sabi ni Cross at tumingin kay Jakob. He nodded with a smile still fanning the food.
"Talaga? Napunta na kayo sa bahay ni Jakob?" Gulat na tanong ng tita ni Rachel.
"Opo lola. Ang ganda po ng house ni Tito Jakob tsaka malaki po 'yung pool."
"Aba mahusay pala ang magiging manugang mo—" nanlaki ang mata ni Rachel sa sinabi nito. Nakakahiya na kay Jakob dahil kanina pa nila ito sinasabihan ng kung ano-ano. Kesyo nililigawan daw ba niya si Rachel? Bakit daw magkamukha sila ni Cross? Kung may balak daw ba na ligawan ni Jakob si Rachel? O maging sila na lang daw? In all of these Jakob smiled and sometimes joked with them. He's not bothered with their antics, "Syempre naman ate. Magaling yatang pipili ang anak ko." Rachel face palmed at what her mother said, "Kaya Jakob iingatan mo sila ha?" Sabi ng nanay niya.
"Ma—"
Jakob but in, "Opo Tita, iingatan ko po sila." Jakob laughed and look at her like it's nothing. Pero heto siya at nanlalaki ang mga mata. "Lola iniingatan naman po kami ni Tito Jakob lagi."
"Cross Daddy na lang. Da-di." Dagdag pa ng tita niya. "Tita kung ano-ano na naman tinuturo mo sa anak ko." Inis na sabi niya at kinuha ang anak. Binuhat niya ito at tinakpan ang tenga, "Aba'y totoo naman a. Magkamukha nga sila parang pinagbiyak na bunga." Sabi pa ng nanay niya. Ang tito at tita niya, ang pinsan niyang si Aimee at ang nanay niya lang ang naroon. Nawi-wirduhan siya dahil sabi niya kay Jakob reunion ito, pero hindi available ang iba nilang kamag-anak kaya naging family outing na lang.
"Tita naman mahiya kayo kay Jakob. Ang bait-bait ng tao kung ano-ano sinasabi niyo." She warned them na kapag hindi pa tumigil ang mga ito ay uuwi na ulit sila sa Maynila. Lumakad siya papunta sa Cabin na tinutuluyan nila. Naiinis si Rachel sa mga kamag-anak niya. Hindi man lang nahiya. Ang bait-bait noong tao kaya masyado silang feeling close. She said to herself. "Mama baka masira po 'yung zipper nung bag." Napahinto siya sa sinabi ni Cross. Hindi niya napansin na grabe pala siya makahila rito, "S-sorry anak." She sighed at maayos ng binuksan ang bag. Kinuha niya ang pang-swimming ng bata, "Mama 'wag ka na po magalit 'di naman totoo sinasabi nila 'di ba?" Napatingin siya sa anak niya sa tanong nito. Sa totoo lang hindi siya sure kung totoo o hindi, "Sabi mo 'pag 'di totoo 'wag tayong magalit kasi alam natin totoo." Paalala sa kanya ng anak. Minsan parang mas matanda si Cross sa kanya mag-isip. Umupo siya sa kama at inupo rin si Cross, "Anak sorry kung naging OA si Mama sa pagre-react. Nahihiya lang ako sa Tito Jakob mo syempre dapat din nila malaman kung kailan sila dapat magsalita at hindi. Ganito na lang kakausapin ko na lang sila nang maayos mamaya." Ngiti niya. Cross nodded and hugged her. "I love you Mama." Lumambot ang puso ni Rachel, pakiramdam niya lahat ng inis niya na-wash out. "Love you too anak." Sagot niya, "Bihis ka na. Baka hinihintay ka na nila lolo tsaka ni Jakob."
BINABASA MO ANG
Right DNA
RomanceJakob has everything ready. Mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, savings, at picture frames para punuin ng mga litrato ng kanyang pamilya. Ngunit may isang kulang. Wala pa siyang asawa. Pero paano kung ang ready-to-settle-down na si Jakob ay...