Chapter 15

184 8 2
                                    

Tahimik silang nagkakape habang hinihintay ma-bake ang cake na ginawa nilang dalawa. Nakakapagod din ang ginawa nila. Halos nasa isang daang piraso ng cupcakes ang ginawa nila bukod pa ang ang brownies at spaghetti. Gusto kasi ni Rachel na lahat din ng staff ay mabigyan, alam niya na ganoon din ang sasabihin ni Cross.

"Hindi ko alam na masyado pala 'tong nakakapagod," sabi ni Jakob. Napatango na lang si Rachel. Ang gusto niyang gawi mn ngayon ay matulog pero hindi puwede dahil pagkatapos nito kailangan na nilang gumayak papuntang eskuwelahan ni Cross.

"You're amazing, you know," napataas ang kilay niya sa sinabi ni Jakob. Bakit pinupuri niya ko ngayon?

"Pa'no mo nagagawa lahat ng 'to mag-isa. Tapos inaalagaan mo pa mag-isa si Cross?" Tanong nito.

Napangiti siya, "Wala namang gagawa nito maliban sa'kin. Ganoon siguro talaga 'pag may anak ka na. Kahit nakakapagod gagawin mo," sagot niya. Tiningnan niya si Jakob, "Malalaman mo rin 'yong kapag nagkaanak ka na."

Napailing ito at natawa, "Sabi nga nila, maiiba lalo ang pananaw ng isang tao sa buhay once na nagkaanak na siya. Lalalim daw respeto mo sa mga magulang mo, and also, you'll see God more as a Father."

"Right, pero mother ako. Pero ganoon na rin 'yon." Kibit balikat ni Rachel.

"Anyway, ayos lang bang tulungan mo akong magligpit?" Napataas ang kilay ni Jakob.

Malapit ng mag-uwian ang mga bata nang makarating sila ni Jakob sa eskuwelahan. Gulat na gulat si Cross dahil may biglaang pa-party para sa kanya. Masaya siyang kinantahan ng Happy Birthday at hinipan ang candle kasama ang kaibigan niyang si Kurt. Habang kumakain ang ibang mga bata, lumapit si Cross sa Mama at Tito Jakob niya na inaayos ang mga pagkain sa lalagyan, "Kumain na rin po kayo," sabi nito, "Thank you po sa party and thank you rin po Tito Jakob sa pag-help kay Mama."

"Walang anuman. Nasiyahan naman ako sa pag-bake. Masarap ba 'yung gawa ko?" Tanong nito.

"Opo, kalasa lang din po ng gawa ni Mama," sagot ni Cross.

"Siyempre ako kaya nagtimp—"

"Hep! Ako rin nagtimpla at nag-measure. So, ako rin ang isa sa nag-bake basically." Ngisi nito habang nakahalukipkip. Napataas ang isang kilay ni Rachel.

"Hindi kaya."

Nakatingin pang si Cross sa dalawa at napakamot ang ulo. "Masarap po parehong bake na cupcake."

Naging ngiti ang namuthawi sa labi ni  Jakob, "You're welcome, Cross. Anytime basta ikaw."


  Halos dalawang oras na nakaupo si Claudia sa isang restaurant para magkape. Hinihintay niya kasi ang kaibigan niya pero huli na nang sabihin nitong hindi siya makakarating dahil sa emergency. Sa huli, nagkape at kumain na lang siya ng pastry mag-isa.

Umagaw sa pansin niya ang isang matangkad na lalake papasok ng restaurant. Nanlaki ang mga mata ni Claudia nang mapagtantong si Jakob ito at may kasama siyang isang babae at bata. Muntik na niyang maibagsak ang cup sa gulat. Kunot-noo niyang tiningnan ang dalawang kasama nito, alam niyan mag-ina ang dalawa. At ang bata ay ang nakita rin niyang kasama ni Jakob noon.

Kung ano-ano nang pumasok sa isip ni Claudia hanggang sa mismong mga paa niya ang nagyaya papunta sa kanila. Masayang nag-uusap ang mga ito at ang bata ay naka-birthday hat pa. Hindi niya mapigilang ma-curious dahil alam niyang may kakaiba. Lalo na't kamukhang-kamukha ng anak niya ang bata.

"Hello, my son." Bati niya. Napatalikod ang mga ito at nakita niya ang gulat na ekspresyon ni Jakob. Hindi niya mapigilang maismid.

"Mom," bumeso sa kanya ang anak, "what are you doing here?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon