CHAPTER 1

1K 41 1
                                    

"Manong matagal pa po ba tayo?" Naiinip kong tanong sa driver na sumundo sa akin.

"Senyorita, umuulan kasi." Pagpapaliwanag ng matanda sa akin.

Patago naman akong napairap at napalingon sa labas ng bintana. He's right, until now umuulan pa rin, pero hindi na katulad nang kanina. Medyo tumitila na ang ulan at unti-unti na ring lumalabas ang haring araw. But I've been waiting here inside the service for almost an hour.

Nababagot na ako. I want to communicate with my friends kasi may signal pa naman kaya matatawagan ko pa naman sila. Pero sa tingin ko mga busy sila ngayon. Alam ko na sina Sydney, Valkyrie at Yvette ay nasa biyahe pa rin. I want to call Camari instead kasi alam ko nasa bahay lang naman ito, pero parang may pumipigil sa akin na gawin ito. Ayaw ko namang tawagan si Michael, kababati pa lang nila ni Camari kahapon, at hindi rin naman kami ganoon ka close para tawagan ko s'ya.

Ayaw kong tawagan sina Mommy at Daddy, naiinis pa rin ako sa kanila.

"Senyorita..." Our driver utter hesitantly.

I immediately turn my gaze into him.

"Yes? Bakit?" I asked politely.

"Mukhang matatagalan pa tayo dito, Senyorita. Nastuck sa putik 'yong gulong ng sasakyan. Hindi ko rin mapaandar ang makina..."

Napalunok naman ako ng laway at napalingon sa labas ng bintana.

Mukhang alam ko na ito.

Napangiwi naman ako nang makita ang labas ng sasakyan. Sobrang dumi, maputik at nakakadiri.

"Manong wala na bang ibang way? I mean wala na bang ibang sasakyan sa hacienda na pwedeng sumundo sa akin? Sa atin?" Tanong ko pa sabay lunok ng laway.

I can't do this.

"Eh, wala na po, Senyorita.. May golf car naman doon. Pero hindi puwede rito. Hindi puwede sa putik."

Napaawang naman ang bibig ko at napasabunot ng buhok.

"Manong try mo ulit, baka sakaling umandar na ang sasakyan." Utos ko sa matanda gamit ang kalmado kong boses kahit na sa loob-loob ko ay galit na galit na ako. Ayaw kong pagalitan ang matanda. Oo nga't ayaw ko rito sa hacienda dahil malayo sa kabihasnan, pero hindi ibig sabihin no'n magiging bastos na akong kausap. Pinalaki naman akong maayos nina Mommy at Daddy.

Walang salita naman ang lumabas sa bibig ng driver. Tumango lamang ito bilang sagot at makailang ulit na pinaandar ang sasakyan. Pero wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin umaandar.

Habang naghihintay sa matanda. Napasandig na lang ako sa kinauupuan ko habang pinipilit ang sarili na ngumiti, pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga kayang ngumiti, napupunta kasi ito sa pagngiwi.

'Calm down Delaney. Don't stress your self.' Makailang ulit ko itong sinasabi sa sarili ko, pero hindi pa rin tumatalab. Mas lalo kumukunot ang noo ko kapag pinipilit ko ang sarili ko na ngumiti.

Napapikit ako ng mga mata at kasabay nito ang paghilot ko ng sintido ko.

Bakit pa ba kasi ako napunta dito? Dito sa lugar na ito? Dito sa bundok na ito? Ang daming lugar sa Pilipinas bakit sa Negros pa?!

Nakakainis!

May mga probinsya rin naman sa Zamboanga bakit dito pa talaga sa bukid na ito? Dito sa putikan na ito?

"Senyorita..."

"What?!" I could no longer restrain myself from raising my voice.

"Senyorita...sorry..." Natatakot na pagsasalita ng driver.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon