"Please Daddy, answer my call." Halos bulong na lang ang pagkakasabi ko nito. Hawak ng isa kong kamay ang cellphone, habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa sentido ko, pabalik-balik din ako kung lumakad dito sa tapat ng sofa namin.
Simula kahapon, hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawag kay Daddy, umaasa pa rin ako na sasagutin niya ang bawat tawag ko, pero palagi naman akong nabibigo dito.
"The subscriber you tried to reach has turned off his phone, please try again later."
Hindi ako sumuko, dinial ko ulit ang number ni Daddy gamit ang nanginginig kong mga daliri. Ngunit, katulad nang kanina, boses pa rin ng operator ang naririnig ko.
Hindi ko na ito kaya, masyado ng masakit.
"N-Nasaan ka na kasi Daddy?" Napapaiyak na ako dahil sa panghihina na nararamdaman ko. Napaupo naman ako sa sofa dahil nanginginig na ang dalawa kong tuhod.
Tatlong araw na, tatlong araw nang hindi nagpapakita si Daddy, tatlong araw na simula noong huli kong nakita si Daddy.
"No! Delaney! Malakas ka! Kaya mo to! Huwag kang umiyak!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang ang dalawang kamay ay kinukusot ang dalawa kong mga mata. Umaasa ako na kapag ginawa ko ito ay mapipigilan ko ang mga mata ko sa paglabas ng maiinit na likido, pero nagkamali ako, kahit anong kusot pa man ang gawin ko, nakakawala pa rin sa mga mata ko ang maiinit kong mga luha.
"Sabi ng huwag kang iiyak, eh!" Pagalit kong saad habang patuloy pa rin sa pagkusot ng mga mata na nagsasanhi upang makaramdam na ako ng hapdi dito.
Hindi dapat ako umiiyak, hindi ko dapat pinapakita na mahina ako, dahil alam ko kapag malaman ito ni Mommy tiyak na malulungkot nanaman iyon, o hindi kaya ay iiyak nanaman iyon at ayaw ko namang makitang magbreak down si Mommy, lalo na kapag sa harapan ko.
Kapag kasi nakikita kong umiiyak si Mommy, para akong sinasakal na nagsasanhi upang hindi ako makahinga ng maayos.
Napasandig naman ang katawan ko sa sofa, habang ang cellphone ko ay nasa tabi ko.
Napabuntong hininga naman ako.
Alam kong may sama ng loob si Daddy kay Mommy, alam ko na nasaktan siya dahil doon, pero napakaselfish naman niya para hindi umuwi ng bahay. Napakaselfish naman niya para iwan na lang kami ng ganito dahil lang nasasaktan siya. Napakaselfish naman niya para sirain itong pamilya namin dahil lang sa past nila, oo alam ko masakit iyon, pero siya lang ba ang nasasaktan? Siya lang ba ang nadudurog? Kasi sa totoo lang ako ang mas apektado sa aming tatlo. Ako ang anak, ako ang nasa gitna at hindi ko alam kung sino ang papanigan ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero alam ko na nasasaktan ako.
Parang gusto ko ng mamatay dahil sa sitwasyon ko at ng pamilya namin. Gusto ko ng mamatay para makapagpahinga na ako, para maipahinga ko na ang katawan ko, ang sistema ko, ang isip ko, at ang puso ko.
Pero hindi! Hindi pwede! Umiling-iling ako.
Hindi ako pwedeng mamamatay kasi kung mamamatay ako tiyak na iiyak nanaman si Mommy, tiyak na madudurog nanaman siya, pero...pero kung patay na ako baka umuwi na si Daddy, baka magpakita na siya kay Mommy...
Umayos ako ng upo at sinampal ang sarili ko.
Dahil sa sitwasyon ko ngayon kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak ko.
Napalingon ako sa cellphone na nasa tabi ko at agad itong dinampot.
"Last na ito, kapag hindi pa rin ito sinagot ni Daddy, hindi ko na siya tatawagan pa, hindi na ako mangungulit. Bahala siya." Bumuga ako ng hangin at pagkatapos nito ay pinindot ko na ang call button.
BINABASA MO ANG
Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)
RomanceDelaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like their hacienda, where she could see nothing but mud and lush trees. But one day, she just woke up she's...