Kanina pa pabalik-balik ang malilikot kong mga mata sa dalawang lalaki na medyo may hawig kay Zeil. Kanina pa pabalik-balik ang malilikot kong mga mata sa Lolo at sa Papa ni Zeil. Nagtataka kasi ako.
Bakit sila andito? Akala ko si Zeil lang ang darating. I'm not expecting na pati ang Lolo at Papa pala nya eh darating din.
I'm not ready for this. Oo gusto kong mameet ang pamilya ni Zeil pero hindi naman sa ganitong paraan, hindi sa ganitong sitwasyon.
"We're here so that I can completely close what I should have close for a long time." Pagsasalita ng Lolo ni Zeil habang ang buong atensyon ay nasa akin kaya naagaw nito ang buo kong atensyon. Nang magtama ang aming mga mata bigla akong kinilabutan dahil sa paraan nito kung papano tumitig sa akin.
Ang lamig. Nagsitaasan tuloy ang mga balahibo ko sa braso.
"Gusto ko na itong matapos, Delaney." He knows my name. "Gusto ko ng tuldukan kung ano man ang namamagitan sa amin ng Lola mo noon. Dahil hindi na dapat maulit ang kung ano man ang nangyari noon. History must not repeat again."
Napalunok naman ako ng laway dahil sa kaniyang sinabi.
What does he mean by history must not repeat again?
Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang magsalita at makapagnong sa kaniya tungkol dito nang maunahan ako ng Papa ni Zeil sa pagsasalita.
"Alam mo, kamukhang-kamukha mo talaga ang Mommy mo. Nakuha mo sa kaniya yung mga mata mo at hubog ng mukha mo. Parang ikaw ang younger version ng Mommy mo."
Hindi naman ako agad nakapag react dahil sa sinabi nya.
He knows my Mother?
Well malabong hindi iyon mangyari. Magkatabi lamang ang hacienda ng mga pamilya namin at malabong hindi pa nya nakikita ang Mommy ko, o narerecognize man lang. Sa tansiya ko nga parang magkaedad lamang sila ni Mommy.
"Talaga?" I asked while smiling.
"Yeah. Ganiyan ang mukha ng Mommy mo noong kabataan nya. She's jolly like you." Tango-tango pa ng Papa ni Zeil na mas lalong ikinalapad ng ngiti ko.
He's right. Marami ngang nagsasabi nito sa akin. Maraming nagsasabi na carbon coppy ko si Mommy noong dalaga pa ito. Kapag may mga family reunion o family gatherings palaging sinasabi sa akin ng mga relatives namin na kamukhang-kamukha ko raw si Mommy noong dalaga pa ito. My eyes looks like her and the shape of my face. Minsan nga napreressure ako kapag sinasabi nila ito sa akin. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito I should act like Mommy. I should act how my mother act. Ganoon naman kasi diba? Kapag kinukumpara ang dalawang taong magkamukha, dapat kung anong ginagawa at kung anong kaya ng isa dapat kaya at ginagawa din ng isa. Pero ang sabi naman ng mga matatanda lalo na ng Lola ni Michael, si Lola Michelle daw ang kamukha ko, ang kamukha namin ni Mommy, which I totally agree. I once saw a picture frame of Lola noong dalaga pa ito, ang picture ay kinunan sa hacienda. Makangiti sya doon at halatang masaya. Kamukha ko siya doon, kamukha siya namin ni Mommy...
"Jolly? Eh pangit nga ang ugali nyan." Napawi lang ang mga ngiti ko sa labi nang marinig ko ang bulong na ito galing kay Zeil. Oo bulong lamang ito, at sa tingin ko para lamang ito sa kaniyang sarili, perp dahil magkatabi kami, kahit papano narinig ko ang binulong nya kaya napalingon ako sa kaniya, tinitigan lang naman nya ako na parang isang inosenteng tao na walang sinabi na nakakabwisit.
"Let's go," Pinilit ko ang sarili ko na huwag mag-alboroto o magpakita ng anumang emosyon kay Zeil dahil alam ko na kapag ginawa ko ito sobrang nakakahiya sa taong makakakita nito. "Pasok na po tayo sa loob." Sa pagkakatong ito nakina Papa, at Lolo na ni Zeil ang buo kong atensyon. At nakangiti na rin ako. Isang pilit na ngiti pero hindi ko pinahalata na isa itong pilit na ngiti.
BINABASA MO ANG
Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)
RomansDelaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like their hacienda, where she could see nothing but mud and lush trees. But one day, she just woke up she's...