"Belen, nasaan na ang buko juice ko?" Prenteng tanong ko kay Belen habang ang katawan ay prente ring nakahilig sa deck chair o tumbona. Hindi ko alam kung papano at kung bakit mayroong ganito sa bukid. Sa pagkakaalam ko kasi ay sa mga beach lang ito o sa mga cruise ship makikikita.
"Wait lang po. Umaakyat pa lang po sina Papa sa puno ng niyog, hintay lang po." Magalang na sagot ni Belen habang ang mga mata ay medyo naiinip na.
Today is Sunday, and Sunday is my rest day here in our hacienda. Parang hindi nga ako ang boss dito dahil maski ako ay nagtratrabaho—I mean nagdidilig lang pala. Wala naman akong ibang ginagawa dito kundi diligan every day ang mga seedlings. Pero kahit pagdidilig lang ang ginagawa ko, nakakapagod pa rin. Nakakangalay ng braso at nakakahapo. Hindi lang pala pagdidilig, nanungkit rin pala ako ng saging at sobrang nakakapagod iyon, dahil ang bigat-bigat ng panungkit at nakakangalay sa leeg, buong magdamag ba namang nakataas ang ulo mo. Nakakainis nga, eh, kung kailan tirik na tirik ang araw tiyaka ako pagtratrabahubin ng gago kong boss. Halatang nananadya.
Napaangat naman ako ng ulo at agad akong napangiti nang walang sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. My head and body were secured because of parasol or large umbrella. Hindi ko inaakala na mag-eenjoy ako at magiging masaya dito sa hacienda namin, ang buo ko kasing akala ay wala na akong ibang makakausap dito kundi ang mga halaman at mga seedlings na inaalagaan ko. Pero mali pala ako, may mga makakausap rin pala ako dito. And everything and anything I want to eat and drink I can only get for free. How lucky I am.
"Senyorita! Andito na ang fresh buko juice ninyo!" Maligayang sigaw mula sa likod. Sa boses pa lang nito kilalang-kilala ko na kaagad kung sino ito. Si Mang Arnel, ang tatay ni Belen.
Dali-dali naman akong umupo mula sa pagkakahiga at agad na lumingon sa likod. Mang Arnel immediately greeted me while his both hands are holding a two buko.
Nakailang buko na ba ako ngayong araw? Dalawa?
Ang sarap kasi. Refreshing.
"Ang tagal ninyo Pa, kanina pa naghihintay ang Senyorita ko." May bahid ng pagtatampo ang boses ni Belen.
Napalingon naman ako sa kan'ya at hindi kalaunan ay natawa na. Ang cute n'ya kasi.
"O, s'ya, bubuksan ko lang ito itong buko juice." Si Mang Arnel sabay taas ng dalawang buko.
Tumango lang naman ako at ngumiti. Pagkaraan ng ilang segundo, inihilig ko na lang ulit ang likod ko sa deck chair. Habang nakahilig ang katawan, rinig na rinig ng tenga ko ang tunog ng buko na binabalatan. Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi nang biglang humangin. Ang lakas ng hangin ay tama lang, hindi gano'n ka lakas at hindi ganoon kahina. Mas lalo kong dinama ang simoy ng hangin ng tumatama na ito sa mukha ko, sumasayaw na rin sa ritmo ang mga iilang hibla ng buhok ko.
So refreshing. Ang sarap mamuhay kung ganito palagi. Walang stress, walang taong mangbwibwisit sa iyo. I love it.
May naririnig na akong mga yapak ng paa na papunta sa direksyon ko pero pinagsasawalang bahala ko lang ito dahil sa tingin ko si Mang Arnel lang ito o hindi kaya ay si Belen.
"Aba?!"
Sa hindi malaman na dahilan bigla kong binuksan ang mga mata ko at agad na hinarap ang taong nagsalita nito.
Pagharap ko agad na sumalubong sa akin ang mukha ng gago kong boss.
"Bakit?!" Ungas kong tanong sabay alis ng sunglasses na tumatakip sa mga mata ko. Pagkatapos ko itong gawin agad ko s'yang inirapan.
Sira na agad ang araw ko.
"Anong bakit?" Nakapemawang na tanong nito sa akin. "At nakapayungan pa talaga." Ngisi n'ya habang ang mga mata ay nakatutok sa payong kong malaki.
BINABASA MO ANG
Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)
RomantikDelaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like their hacienda, where she could see nothing but mud and lush trees. But one day, she just woke up she's...