CHAPTER 23

360 17 0
                                    

Ang mga mata ko ay nag sisimula nang maging tuliro. Ang utak ko ay mas lalong naging magulo at ang tahip ng puso ko ay mas lalong bumibilis.

"S-Sinong nag sabi nito sa iyo? I mean how did you know this? Totoo ba ito? Baka mamaya edited lang —"

"Delaney! Dahan-dahan, mahina ang kalaban. Isa-isang tanong lang." Natatawang pagpapahinto ni Michael sa akin.

Napabuga naman ako ng hangin.

"Totoo ba ito?" Ito ang tanong na napili kong itanong sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung totoo ba itong napanood ko, itong video, baka kasi pekeng issue lang ito para maging matunog ang pangalan ni Martin. Pero...sikat naman sya. He doesn't need this issue, this big scandal just to make him famous, because he's a star! A shining star for so long!

"E-Ewan. Hindi ko rin alam." Si Michael sabay iwas ng tingin sa akin. "Baka totoo..."

"Sino ba ang nag sabi nito sa iyo?" Napapikit naman ako ng mga mata dahil sa naging tanong ko.

Ang bobo mo Delaney! Literal! Hindi na kailangan may mag sabi nito sa kaniya dahil kalat na kalat na ito! Maraming nang nakapanood! Maraming share kaya hindi nakakapagtaka kung pati si Michael ay napanood na ito.

Napalingon naman diretcho sa mga mata ko si Michael. Agad naman akong ng tayo. "Sino ba ang chismosa sa ating anim? Sino ba ang maraming alam na chismis? Diba si Valkyrie?"

Napakagat labi naman ako. Pinipigilan ang sarili na matawa dahil sa deskripsyon na sinabi nya patungkol kay Valkyrie. Ang pigil na tawa ko ay sandali lamang dahil may isang pinakaimportanteng tanong ang pumasok sa utak ko

Alam na ba ito ni Sydney?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para itanong ang tanong na pumasok sa isipan ko nang may biglang pumasok sa loob ng bahay namin.

"Guys! Guys! Guys!" It's no other than the source. Valkyrie.

Pagkapasok na pagkapasok ni Valkyrie agad syang lumapit sa aming dalawa ni Michael habang ang katawan ay hapong-hapo. Ang kaniyang katawan ay medyo nakayuko habang dalawang kamay ay nakatukod sa kaniyang tuhod at ang dibdib ay tumataas at bumababa.

"Para kang asong nakalabas ang dila, Valkyrie." Puna ni Michael sabay alalay kay Valkyrie na makatayo.

"Ang pagod naman kasi talaga, isipin mo ba naman traffic dyan sa may labasan ninyo Delaney, kaya tinakbo ko na lang itong bahay nyo. Tingnan mo pawis na pawis ako." Wika pa ni Valkyrie sabay punas nang mga butil butil na pawis na tumutulo sa kaniyang boo pababa sa kaniyang mukha.

"Ang feeling mo kasi. Feeling runner, hindi naman kaya ng katawan ang tumakbo." Mahinang bulong ni Michael habang ang mukha ay medyo nakatalikod kay Valkyrie. Napalingon naman ako kay Valkyrie na ngayon ay masanang nakatitig kay Michael. Mukhang narinig nya ang sinabi ni Michael.

Napalaki naman ang mga mata ko ay kasabay nito ang pag awang ng bibig ko. Sinasabunutan na ni Valkyrie si Michael!

"Ikaw na gago ka! Ang lakas mo rin mang ano eh! Bakit ikaw —"

"Guys stop it! Stop it! Andito kayo sa bahay ko! Konting respeto naman!" Agad kong inilayo si Valkyrie kay Michael habang ang isang braso ay nakahawak ng mahigpit sa bewang ni Valkyrie at ang isa naman ay nasa gitna nila Michael at Valkyrie.

"Ito kasing Michael na ito eh! Kanina sinabihan mo 'kong mukhang aso! Tapos —"

"Valkyrie..." May banta sa tono ng boses ko na nagpahinto kay Valkyrie at nag sanhi rin ng pag ngisi ni Michael. Walang boses ang lumalabas sa bibig ni Michael, pero alam ko na sa loob-loob nya pinag tatawanan na nya si Valkyrie.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon