"Teka, maiba ako, diba magkasunuran lang ng birthday itong sina Sydney at Yvette?" Pagsasalita ni Valkyrie habang ang hintuturo at ang mga mata ay nakatutok ng pareho kay Sydney na ngayon ay tumatawang nakasandig sa katawan ng kaniyang fiancèe na si Aeiou. Yup, her fiancèe.
Dahil sa mga mata ni Valkyrie na nakatutok kay Sydney, napunta na din kay Sydney ang buo naming atensyon, pwera na lang kay Aeiou na ngayon ay nakangising nakatitig sa lalaking katabi ko na si Zeil.
Nang makita ko ang pagkailang sa mga mata ni Sydney, hindi ko na hinintay pa na sabihin niyang naiilan siya sa mga titig namin sa kaniya, dahil ako na mismo ang umiwas at itinututok na lang sa kaniyang singsing na suot ang buo kong atensyon. Napangiti naman ako.
It's been a month and a half since everything went okay. Sa isang buwan at kalahati na iyon, maraming nangyari sa hindi lamang sa buhay ko kundi pa pati na rin sa buhay ni Sydney. Sydney is no longer an actress, nagpaalam na siya sa mundo ng showbiz at ngayon engaged na siya sa boyfriend niyang si Aeiou. Habang ako naman ay masaya na ulit dahil nagkabalikan na kami ni Zeil, naayos na ang gusot sa pagitan ng pamilya namin, at nagkaroon na ng maayos closure sina Lola at Lolo ni Zeil, ganoon din sina Mommy at Papa ni Zeil. Alam kong nakapag moved na si Mommy sa relasyon nila ng Papa ni Zeil noon, but still, kailangan pa rin nila ng maayos closure dahil ang paghihiwalay nila noon ay hindi naging maganda, hindi nagkaroon ng rason, at walang naganap na ekplanasyon.
"Alam kong maganda ako, since birth pa." Pagmamalaki ni Sydney na nagsanhi para mawala ang mga paningin ng lahat sa kaniya.
Nang mawala na ang atensyon ng lahat kay Sydney, narinig ko naman na pabalik-balik na kung tumikhim si Camari na halata namang sinasadya niya na siyang nagsanhi para sa kaniya naman mapunta ang atensyon ko, na hindi kalaunan ay napunta sa asawa niyang si Sergie na nakatungo ang ulo pero pabalik-balik kung umiling habang may mga pigil na ngiti at tawa sa kaniyang mga labi. Nakatitig lang naman sa kawalan si Michael habang ang mukha ay parang naaawa dahil sa narinig mula kay Sydney, habang ang mukha naman ni Valkyrie ay parang natalo ng isang milyon sa lotto dahil sa panlulumo na kitang-kita sa kaniyang mukha.
Lahat sila ay may kaniya-kaniya ekpresyon na ipinapakita, pero lahat sila ay halatang hindi kumbinsido sa sinabi ni Sydney.
"Ayy, nako nagbuhat nanaman ng bangko," Inaantok na pagpaparinig ni Valkyrie habang ang mga mata ay nakatutok sa kaniyang mga kuko. "By the way, malapit na ang birthday ni Yvette no? Next week na." Iniangat na nito ang kaniyang ulo at isa-isa kaming tinitigan na para bang nanghihikayat ito na paniwalaan namin ang sinabi niya.
"Hala oo, magkasunuran lang pala kami noon." Sang-ayon ni Sydney habang tumatango.
Napaisip naman ako doon. Tama siya, magkasunuran nga lamang sila ng birthday ni Yvette, dahil nitong nakaraang buwan lamang ay birthday niya at doon nagpropose si Aeiou sa kaniya, kaya sa susunod na linggo November na at birthday na ni Yvette.
Ilang taon na kaya siya? Thirty?
Napalinga-linga naman ako para hanapin si Yvette, pero habang ginagawa ko ito napagtanto ko na wala pala si Yvette dito dahil nasa Singapore pala siya ngayon, at sa susunod pa na araw ang dating niya. Magdadalawang linggo na rin si Yvette na nasa Singapore.
"Ilang taon na ba si Yvette?" Sa mga kaibigan ko na lang ito tinanong dahil alam kong alam nila kung ilang taon na ba si Yvette.
"Luh, kayo ang laging magkasama, kayo ang close tapos hindi mo alam kung ilang taon na siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Michael sa akin, pero para sa akin at sarkastiko na ito.
Inirapan ko naman si Michael at handa na sana akong magsalita nang maramdaman ko ang unti-unting pagsakop ng mga kamay ni Zeil sa bewang ko, at hindi kalaunan ay yakap na ako nito mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)
RomanceDelaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like their hacienda, where she could see nothing but mud and lush trees. But one day, she just woke up she's...