CHAPTER 14

421 18 2
                                    

"Ummm....uuwi ka na ba sa inyo? O dito ka sa amin kakain?" Nagaalalangan kong tanong sa lalaking katabi ko. Kanina pa kasi kami tahimik na naglalakad, walang nagsasalita kaya nababagot na ako.

Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kan'ya. Wala sa akin ang mga mata n'ya, nasa dinaranan lang namin, at kung umasta s'ya...para bang wala s'yang narinig mula sa akin. Parang bang wala akong itinanong sa kan'ya.

Napabuga ako ng hangin at huminto sa paglakakad. Naramdaman ko namang huminto rin s'ya sa paglakakad, pero ang atensyon naman n'ya ay nasa harapan pa rin namin. Hindi n'ya ako tinatapunan ng kahit mumunting atensyon.

Masakit lang.

Dahil naiinis na ako sa pagiging tahimik n'ya, ibinababa ko na ang watering can na hawak-hawak ko, at puwersahan s'yang pinaharap sa akin. Hindi naman ako nahirapan upang gawin ito. Ngayong magkaharap na kaming dalawa, wala akong makitang emosyon sa kan'yang mga mata. Kahit galit o inis, wala talaga.

"Hindi ka ba komportable na kasama ako? Kasi kanina ko pa napapansin, parang nilalayuan mo 'ko kapag lumalapit ako sa'yo." Malumanay kong tanong. Gusto ko s'yang taasan ng boses, gusto ko s'yang sigawan, para kahit papano ay may dahilan s'ya para magsalita, at para may dahilan s'ya para titigan ako ng diretcho. Oo kaharap ko na nga s'ya, pero sobrang likot naman ng mga mata n'ya. Paiba-iba ito ng direksyon na tinitingnan, at kapag sinusundan ko naman ito, lilipat na naman ito sa ibang gawi. Iniiwasan nga talaga n'ya ako. Pero may pumipigil sa akin para sigawan s'ya, alam ko kasi na kapag sisigawan ko s'ya o tataasan ng boses, mas lalong lalayo ang loob n'ya sa akin.

I want to hear his voice, kahit simpleng salita lang.

"Tara na..." Malamig nitong pagsasalita. Dalawang salita na nagpakirot ng puso ko. Ang lamig ng boses n'ya, ang lamig lamig.

My wish granted.

Napangisi naman ako.

Diba dapat masaya ako? Diba dapat ngingiti na ako? Kasi sa wakas nagsalita na s'ya. Ito naman diba ang hinihiling ko? Magsalita s'ya. Pero bakit kumikirot ang puso ko? Bakit parang nababasag ito? At bakit parang hindi ako masaya na nagsalita pa s'ya? Bakit malungkot ako?

Bakit ko ba ito nararamdaman?!

Nakakainis!

Nakakapanghina ng kalamnan!

"Tara na, umuwi na tayo, mukhang bubuhos na ang ulan."

Napabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ang boses n'ya. Katulad nang nauna, kumikirot na naman ang puso ko, pero sa pagkakataong ito, mas doble ang sakit.

"Mukhang uulan," Pagsasalita n'ya sabay angat ng ulo sa kalangitan. Napaangat na rin ako ng ulo.

Tama nga s'ya. Makulimlim na ang langit. Ang mga ulap na magkakalayo sa isa't isa ay unti-unti ng nagiging isa. Ang haring araw na kanina ay umaarangkada, ngayon ay unti-unti na itong nagtatago sa makakapal at itim na itim na mga ulap. Mukhang anumang minuto sa ngayon bubuhos na ang ulan.

Nakakainis!

Useless lang pala ang pagdidilig na ginawa ko kanina kasi uulan lang din pala. Nagsayang lang ako ng pagod.

Pero hindi ko din naman alam na uulan.

Kanina kasi ay sobrang init, hindi mo mahahalata na uulan dahil ang araw ay tirik na tirik, pero ngayon parang isang daga na takot na takot sa pusa ang araw. Nagtatago na sa lungga n'ya ang araw.

"Tara na, baka abutan pa tayo ng ulan..." Wika ulit ni Zeil at mas nauna pang naglakad kesa sa akin. Mas lalong nadurog ang puso ko sa ipinapakita n'yang kilos. Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo n'ya sa akin. Hindi ako sanay na seryoso s'ya. Ang kilala kong Zeil ay maingay, mapang-asar at palagi akong inaaway. I feel like I'm a breakable glass that shattered into tiny pieces. "Baka magkasakit ka pa..." Dagdag pa nito na ngayon ay huminto na sa paglakakad, pero nakatalikod pa rin naman sxya sa akin.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon