Hindi ako na lumalabas ng kwarto, nasa loob lang ako nito at dahil ito kay Lola. Ayaw kasi nya akong palabasin ng bahay, well the feelings are mutual, wala rin naman akong ganang lumabas ng bahay. Ang huli kong labas ay nung dumating sila Camari at Sergie, tapos hindi na nasundan pa. Nasa loob lang ako ng kwarto ko, palaging umiiyak. Umiiyak dahil naalala si Zeil, naaalala ang pagmamakaawa nya kay Lola na ibalik ako. Parang sirang plaka nga ang bawat sigaw ni Zeil, eh, palaging nagpabalik-balik sa utak ko, at parang isang nakakatakot na bangungot ito kapag natutulog ako. Palagi kasi akong dinadalaw nito, at kapag nagigising ako, puno na ng luha ang mga mata ko.
"It's been a week....it's been a week since I last saw you." Pinilit ko ang sarili ko na nguniti habang marahan na hinihimas ang infinity bracelet na nasa kanan kong kamay, pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na ngumiti, hindi ko talaga kaya, I ended up crying softly.
Gulong-gulo na nga ang utak ko dahil hindi ko alam kung bakit ako andito sa Zamboanga. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ni Lola dito, kapag kasi tinatanong ko sya ang palagi naman nyang sagot ay 'I'm just protecting this family' nakakapagod pakinggan kaya sa isang linggo na pananatili ko rito hindi ko na tinatanong si Lola.
Kasalanan ito ng bracelet eh! Sinabi ko na kay Zeil na may dalang kamalasan itong bracelet sa mga couple, pero ibinigay pa rin nya sa akin. Hindi ko na na tinanggap sa kaniya itong bracelet kasi natatakot ako, pero nung andito na ako sa Zamboanga, tiyaka ko lang napansin na nasa akin na pala ang bracelet. Suot-suot ko na pala ang bracelet.
Para akong tanga dito sa loob ng kwarto ko na tumatawa at umiiyak. Pero kahit na may nararamdaman akong galit sa suot-suot kong bracelet, nagpapasalamat pa rin ako dahil nasa akin ang bracelet. Dahil binigay nya sa akin ang bracelet. This is my remembrace. Remembrance ko kay Zeil.
"Delaney..."
Napakunot naman ako ng noo at napaangat ng ulo. May narinig kasi akong boses na tumawag sa pangalan ko. Nang nasa harap na ang buo kong atensyon, agad kong pinunsan ang mga luha ko na parang waterfalls sa pagtulo. Wala kasing tigil. Nang matapos ko nang punasan ang mukha ko, tinutok ko ulit ang buo kong atensyon sa harap ko.
"Hi Mom..." My voice is in hoarse, but I still forced my self to give her a sweet smile. Binigyan ko ng isang napakatamis na ngiti si Mommy, kahit na ang ngiti na ito ay hindi umabot sa mga mata ko. Binigyan ko ng isang napakatamis na ngiti si Mommy kahit ayaw naman ng mga labi ko ang ngumiti. Binigyan ko ng napakatamis na ngiti si Mommy kahit na nanginginig ang mga labi ko, at higit sa lahat binigyan ko ng napatamis na ngiti si Mommy kahit na nasasaktan ako.
"Stop smiling if you're hurting, Delaney." Wika ni Mommy. She doesn't even smiling while walking towards my position. "Stop faking your emotions Delaney, you're eyes reflects it."
Tumawa lang naman ako bilang sagot at iniling-iling ang ulo, at habang iniiling-iling ko ang ulo ko ramdam na ramdam ko ang ragasa ng maiinit kong mga luha pababa sa leeg ko. I even taste the flavor of my own tears.
"Here," Inangat ko ulit ang ulo ko at napatitig sa bagay na nasa harap ko.
It's a cellphone. My cellphone!
Ang kaninang madilim, at malungkot kong mundo ay nagkaroon agad ng liwanag dahil sa bagay na nakikita ko. Tumigil na ang pagtulo ng mga luha ko, at kung kanina ay pinipeke ko ang pag ngiti ko, ngayon ay hindi na. Nakangiti na ako ng totoo.
"Call who ever you want to call. Call your friends who you think can help you get out of thid place, get out of this cage. Cage that your Lola made. Because honestly, I can't help you with this Delaney, I can't get you out here, but your friends can, just make a strong and convincing alibi..." Sunod-sunod at walang preno na pagsasalita ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)
RomanceDelaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like their hacienda, where she could see nothing but mud and lush trees. But one day, she just woke up she's...