CHAPTER 2

657 29 1
                                    

Wala pa ring ipinagbago. Ganitong-ganito pa rin ang hitsura ng gate namin no'ng huli kong punta dito. Hindi pa rin napipinturahan. Ang sabi ko kasi sa kanila, sa mga tao dito na pinturahan ang gate dahil ang dating berde nitong kulay ay nahahaluan na ng kalawang. Habang ang karatula sa taas ng gate kung saan nakasulat ang 'Hacienda Dela Fuerte' at hindi na masyadong nababasa dahil na rin sa kalawang.

Ang pangit na ng Hacienda, halatang hindi na inaalagaan.

"Senyorita?!" Boses mula sa loob ng malaking gate.

Bahagya naman akong umurong ng makita kong unti-unti ng bumubukas ang napakalaking gate na tumatakip sa kabuuan ng loob ng hacienda namin.

"Senyorita, ikaw nga!" Sigaw ulit ni Belen—isa sa mga haciendera ng hacienda namin, at ang katangi-tangi kong kaibigan dito sa hacienda.

Sa tingin ko mas matanda lang ako kay Belen ng ilang taon.

"Senyorita, bakit wala kang pantakip sa ulo? Magagalitan talaga ako nito ng Mommy mo, magagalitan talaga ako nito ni Senyora!" Usal nya pa ulit sabay lapit sa puwesto ko. Nang makalapit na s'ya sa akin tiyaka ko lang nakita ang pag-aalala at takot sa kan'yang itim na itim na mga mata.

Ngumiti lang naman ako sa kan'ya at iniangat ang ulo nang maramdamang parang walang pumapatak na ulan sa ulo ko. May payong pala. Galing kay Belen.

Hindi naman masyadong malaki ang mga patak ng ulan. Umaambon lang pero hindi umuulan. Pero sa tingin ko maya-maya bubuhos na talaga ang ulan dahil umiitim na naman ang kulay ng langit at ang dating hiwa-hiwalay na mga ulap ay nagiging isa na lang at ramdam na ramdam ko anumang oras mamaya ay bubuhos na talaga ang ulan.

"Pritz?!" Hindi siguradong pagsasalita ni Belen ng makita kung sino ang katabi ko. Ang kan'yang mga mata ay palipat-lipat ngayon sa akin at sa lalaking katabi ko.

Napairap naman ako nang makitang may ibang sinasabi ang kan'yang mga mata.

"Inihatid n'ya lang ako 'wag kang ano." Mataray kong sagot kahit wala naman s'yang itinatanong. "Maputik sa labas at madumi." Pagpapaliwanag ko pa kahit wala naman akong dapat na ipaliwanag.

I know what is in her mind. Her eyes reflect itself.

"S-Senyorita ang advance n'yo naman pong mag-isip." Natatawa n'yang usal. "Wala naman po akong sinasabing gano'n." Iling-iling n'ya pa at halatang gusto ng ngumisi pero pinipigilan lang n'ya. "Maiba ako Senyorita, bakit wala po kayong pantakip sa ulo ninyo? Nasaan na po ang sombrero ninyo? Diba po palagi naman ninyo iyong dala?" Seryoso n'yang tanong sa akin habang ang mga mata ay nagtataka.

Napakagat labi naman ako dahil sa tanong n'ya. Pinipigilan ang sarili na sumigaw at magalit, pero ang noo ko ay ayaw makisama. Alam ko at ramdam na ramdam ko ang pagkakunot nito, at kahit anong pilit ko sa sarili ko na ngumiti, napupunta ito sa pagngiwi.

Bwisit na kabayo.

"Nasa tatay mo." Simple kong sagot, habang nakangiti ng todo. Nakangiti lang ako pero sa loob-loob ko galit na galit na ako. I'm pretty sure it's her father. I'm pretty sure rin na andoon pa rin sa putikan ang matanda.

"Ho? Nakay Papa?" Kunot noong tanong ni Belen. "Hiningi ni Papa 'yong som—"

"Nah." I cut her word. "It's simply because nadumihan 'yong floppy hat. Dahil may isang ANIMAL ang—" I didn't continue what was I supposed to say when someone pushed me. Ramdam na ramdam ng likod ko ang galit ng kung sinong tumulak sa akin. Mabuti na nga lang at agad akong nasalo ni Belen, dahil kung hindi siguro nakahandusay na ako sa lupa. Sa putik.

"Senyorita ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Belen sa akin.

Hindi ko na pinakinggan ang tanong ni Belen, basta na lang akong lumingon sa likod ko at agad na tumambad sa akin ang kabayong itim na ngayon ay nakatitig rin sa akin.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon