CHAPTER 20

374 16 8
                                    

"L–Lola," Nahihirapan kong pagsasalita habang ang dibdib ay bumababa at tumataas. Umiiyak pa rin ako.

We're here inside the service. Nasa Zamboanga na kami at hindi ko alam kung papano ako nakarating dito, basta ang alam ko lang sa buong magdamang na byahe namin umiiyak lang ako.

Ano bang nangyayari? Is there an emergency kaya kami umuwi ng Zamboanga? Did anything bad happened here in Zamboanga?

"Stop crying," Inalo-alo ako ni Lola sabay halik sa tuktok ng buhok ko. "Stop crying..."

"Lola, si Zeil..h-hindi ako nakapag paalam ng maayos. He's calling my name, —"

"Stop dragging that name in our topic Delaney, he's not that important."

"He's my boyfriend, Lola! My boyfriend!" Hindi ko na mapigilan ang mapataas ng boses.

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na huwag pagtaasan ng boses si Lola kasi Lola ko sya, pero hindi ko na kaya. Nung umalis kami ng hacienda hindi ako nakapag paalam ng maayos kay Zeil. Basta-basta na lang kasi akong hinila ni Lola kahapon at habang hinihila ako ni Lola papalayo sa mansion, Zeil keeps calling my name. He's chanting my name, and in every howl he made, and in every tears that are falling in his both eyes, I feel like my heart shattered into tiny pieces. Ramdam na ramdam ko ang sakit at gulat sa kaniya, pero sa bawat sigaw nya, sa bawat pagtawag nya ng pangalan ko doble ang balik nito sa akin. Doble ang sakit at hinagpis na balik nito sa akin. Gusto man tumulong ng mga taong nakapaligid sa amin kahapon, katulad ko wala rin silang magawa dahil nagbanta si Lola na kapag mangingialam sila mawawalan sila ng trabaho at kahit labag man ito sa kalooban nila, sinunod pa rin nila ang kagustuhan ni Lola. Hindi sila nangialam.

"Ma'am andito na po tayo." Tiyaka lang binalik ni Lola ang kaniyang atensyon sa harapan namin nang marinig nitong mag salita ang driver at kasabay ng pagsabi nito ng driver ang panghinto ng sasakyan. Napaiwas naman ako ng tingin at pinusan ang mga luhang patuloy pa rin sa pag patak.

Nasa bahay na pala kami. Hindi ko man lang naramdaman.

"Bumaba ka na dyan Delaney, kakausapin natin ang mommy mo tungkol dito." Nakatalikod na pag sasalita ni Lola. Si Lola ay medyo nakatalikod sa akin, nakaharap ito sa kanang bahagi ng pintuan ng sasakyan habang ako naman ay nakaharap sa kaliwang bahagi ng pintuan ng sasakyan. Nakatalikod kami sa isat-isa. Napabuga naman ako ng hangin at pinunasan ulit ang mga luhang walang tigil sa pagtapak.

Kalma Delaney. Kalma.

Tiyaka lang ako bumaba sa sasakyan nang maramdamang ako na lang mag-isa sa loob ng sasakyan. I slowly open the van's door and slowly put down my right foot followed by my left foot. Habang ginagawa ko ito nanginginig nanaman ang dalawa kong labi, at upang mapigilan ang sarili na mapahikbi, I bit my lower lip and shut my eyes, as I did shutting my eyes, the tears stored here are falling freely from my eyes, down to my cheeks and finally down to my neck. Nag sisimula na ring lumabo ang mga mata ko.

I sighed.

"Ma'am Delaney, nasa loob na ang Lola ninyo." Kung hindi pa nag salita ang driver namin, hindi ko pa ihahakbang ang kanan kong paa papasok sa loob ng bahay.

Habang naglalakad ako, ramdam na ramdam ng balat ko ang lamig na dala ng ihip ng hangin. Ngayong umiihip ng malakas ang hangin at patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko, nararamdaman ko na ang unti-unting pag ikot ng paningin ko. Napahinto naman ako at napahawak sa ulo ko, habang ang ilong na kanina pang pulang-pula ay nagsisimula nang mabara dahil sa mga luhang naiipon sa loob nito. Nahihirapan na akong huminga. Nakanganga na rin ako ngayon. Sa bibig na kasi ako bumubuga ng hangin dahil hindi na rin kayang bumuga ng ng hangin ang ilong ko.

Ito ang ayaw ko eh, kapag umiiyak ako nagiging mahihiluhin ako. Nakakainis rin, kanina ko pa sinisinghot pabalik ang sipon ko pero hindi pa rin ito matigil-tigil sa pagtulo sa dalawang butas ng ilong ko. Mabuti pa ang sipon kayang magpabalik-balik sa ilong ko, pero yung hangin, ni singhap hindi ko magawa. Masyadong barado.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon