CHAPTER 4

497 29 0
                                    

"Aba! Aba! Gusto mo bang patayin 'yang mga tanim ninyo?!" Natatawang tanong mula sa likod ko.

I slowly turn my head towards my back and the sunshine immediately greeted me. Agad kong ipinikit ang mga mata ko dahil humahapdi na naman ito.

"Alipin, ayos ka lang?!"

"Can you stop calling me alipin?! I'm not your alipin!" Galit kong sigaw sabay walsik ng dalawa n'yang kamay na nakahawak sa dalawa kong braso.

"Ang arte mo naman, buti nga at concern ako sa iyo."

I just rolled my eyes. "Edi wow," Pabalang kong sagot sabay balik ng atensyon ko sa harap. Agad ko namang ipinagpatuloy ang pagdidilig na ginagawa ko kanina.

Six am ako nagsimulang magdilig ng mga seedlings na pagmamay-ari naman namin, at ngayon eight am na, nararamdaman na ng katawan ko ang pagod, hindi naman nakakahapo ang pagdidilig na ginagawa ko, pero ang dalawa kong kamay na salitan sa pagdidilig ay nangangalay na at nagsisimula ng mamula. Nagugutom na rin ako, hindi pa rin kasi ako nagaalmusal. Siguro magkaka-ulcer talaga ako nito. Dahil lang dito.

"Hoy, alipin?! Hindi mo ba nakikita na sobra-sobra 'yang tubig na ibinubuhos mo?! Alam mo ba na maaaring mamatay 'yang mga seedlings ninyo dahil d'yan sa ginagawa mo?! Tingnan mo," He pointed the seedlings of cabbage. "Tingnan mo, nalulunod na dahil sa dami ng tubig na dinidilig mo sa kanila. Hindi ka talaga marunong."

Mas lalo naman akong naiinis dahil sa sinabi n'ya. "Then do it. Ikaw ang gumawa, ikaw ang magdilig total marunong ka naman, diba?" Sarkastiko kong wika sabay padabog na ibinaba ang watering can sa harapan n'ya.

Nakita ko namang napaawang ang bibig n'ya habang ang mukha ay gulat na gulat sa ginawa ko.

"Alam mo, pagod na pagod na ako! Anong oras na?! Eight am na! Tapos hindi pa ako kumakain! Gutom na gutom na ako! Alam mo ba 'yon?! Kanina pa ako nagdidilig ng mga seedlings. Una kalabasa, pangalawa petchay tapos ngayon repolyo! Seriously?! Papatayin mo ba talaga ako sa pagod?!" Naiinis kong reklamo habang ang mukha ay hindi na maipinta.

Kahit sino naman siguro ay magiging tigre kapag pagod na pagod at wala pang kain.

Napakunot naman ang noo ko nang makita ko s'yang tutawa.

Anong nakakatawa?! May nakakatawa ba sa sinabi ko?!

"Hoy alipin. For your information, two hours ka pa lang nagdidilig. Mabuti nga at pagdidilig lang ang ipinagawa ko sa iyo. Tingnan mo ang farmers ninyo, mga haciendera, at haciendero ninyo ilang oras silang nagtatanim? Naghaharvest? Ikaw two hours lang pagod na agad? Sobrang weak naman ng katawan mo."

Kung kanina ang bibig n'ya ang nakaaawang, ngayon ay bibig ko naman ang nakaawang, pero hindi kalaunan napangisi na rin ako.

"Well, hindi naman namin sila binabayan para tumunganga lang. Hindi namin sila sinisuwelduhan para umupo lang. It's their work, kaya normal lang 'yon."

Tama naman ako. Ang trabaho nila dito sa hacienda ay binabayaran namin. Ang lahat ng ginagawa nila dito sa amin, ay may katumbas na bayad.

"Wala ka talagang puso! Alam mo 'yon? Hindi ka naaawa sa mga far—"

"Wala akong sinasabing ganxyan. Yes I admit! Maarte ako! Pero ang pagigiging maarte ko ay nasa lugar naman. At kahit maarte ako, nakakaramdam naman ako ng awa—"

"Alam mo ang dami-dami mong sinasabi! Mabuti pa at magdilig ka na lang d'yan. Kuda ka nang kuda, wala namang kuwenta yang mga pinagsasabi mo. Ang arte-arte!"

Kahit naiinis pa rin ako, pinulot ko pa rin ang watering can na nasa harap ko lang naman at padabog na tumalikod kay Zeil. Wala rin naman akong magagawa, kailangan kong sundin ang utos n'ya dahil kagustuhan naman ito nina Mommy at Daddy at tiyaka, hindi ko naman puwedeng utusan si Zeil na s'ya na lang ang madidilig, dahil amin naman ito, kami ang nagmamay-ari nitong mga seedlings na ito.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon