Pagkatapos sabihin ng Papa ni Zeil na nasa hospital ang anak nito, para akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko at halos mablangko ang isipan ko dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nasa hospital si Zeil at fifty-fifty ang buhay nito. Kung hindi lang ako tinanong ni Mommy kung sino ang tumawag siguro mapasahanggang ngayon ay tulala pa din ako.
"Daddy! Bilisan mo naman ang pagdridrive oh!" Pagmamakaawa ko kay Daddy habang pinipigilan ang sarili na ipakita sa kanilang lahat ang totoo kong nararamdaman.
"Delaney, madulas ang daanan, hindi pwedeng bilisan ng Daddy mo ang pagdridrive." Si Mommy ang sumagot sa akin habang hinihimas ang likod ko na para bang pinapakalma ako. Narinig ko namang sumang-ayon si Lola dito.
Kaming dalawa ni Mommy ang nasa likurang bahagi ng kotse, habang si Daddy naman ang nagdridrive at si Lola naman ang nasa tabi ni Daddy.
Napalingon naman ako sa labas ng basang bintana. Kahit tinted ang sasakyan, kitang kita ko ang bawat pagpatak ng ulan sa labas at kitang kita ko rin ang pagtulo ng ulan sa bintana na nasa harapan ko lamang. Tama si Mommy, madulas ang daanan kaya hindi pwedeng bilisan ni Daddy ang pagmamaneho, baka mamaya maaksidente pa kami.
Peste kasi itong ulan na ito eh! Bida-bida, wala namang bagyo pero umuulan.
"Makakarating din tayo sa hospital, Delaney." Malumanay na sabi ni Mommy.
Napapikit na lang naman ako ng mga mata at parang pusa na kinalmot ang bintana na kinasasandigan ng noo ko.
She's right. Makakarating nga kami sa hospital, pero madadatnan ko pa kayang buhay si Zeil kapag nakarating na kami sa hospital? Fifty-fifty ang buhay ng tao, at fifty percent lamang ang tiyansa na mabuhay siya at fifty percent din ang tiyansa na mamamatay siya.
Huwag naman sana.
"Kumalma ka nga Delaney!" Rinig kong saway ni Daddy sa akin. "Kilala ko ang batang yon, malakas yon!" Pagpapalakas ni Daddy sa loob ko.
Minulat ko naman ang mga mata ko nang makaramdam ng kahit papano ay pag-asa mula sa sinabi ni Daddy, at haharapin ko na sana si Daddy nang maalala ko ang mga sinabi ko kina Mommy at Lola tungkol kay Zeil. Sinabi kong wala na akong pakialam kay Zeil, sinabi kong wala na akong nararamdaman para kay Zeil, pero kung makareact ako ngayon....
Arggg!
Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko habang ang noo ay nakasandig pa rin sa bintana, kaya ngayon ay nararamdaman ko ang lamig na nanggagaling sa labas nito na dulot ng ulan. Medyo kumalma na din ako ngayon, hindi na rin nakakuyom ang isa kong kamay, pero ang utak ko naman ay nag-iisip pa rin. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko na pumapatay sa mumunting pag-asa na nasa puso ko.
Gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa mga pinag-iisip kong mga negatibo. Gustong-gusto ko itong gawin, kaso nahihiya naman akong gawin ito lalo na at alam kong nasa akin ang buong atensyon nila Mommy at Lola.
Kahit hindi sabihin ni Lola, alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon, at parang nahihiya naman ako dito. Kasasabi ko lang sa kaniya kanina na wala na akong pakialam kay Zeil, kasasabi ko lang kanina na masaya na ako, na hindi na ako apektado tapos ngayon kung makareact ako wagas.
"Mahal mo pa rin, no?" Sa hindi malaman na dahilan, parang may kung anong parte sa puso ko na nabuhay dahil sa tanong na iyon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi isang tanong ang sinabi ni Lola, kundi isang katotohanan na pinapaalala niya sa akin gamit ang patanong niyang boses.
Napangiti naman ako ng patago dahil sa katanungan ni Lola na pakiramdam ko ay isang katotohanan na parang siguradong-sigurado siya na tama.
Kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal, na wala na akong nararamdaman sa kaniya, na wala na akong pakialam sa kaniya, sinisigaw naman ng puso ko ang tunay kong nararamdaman. Sinisigaw naman ng puso ko ang kasagutan sa tanong na iyon ni Lola.
BINABASA MO ANG
Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)
RomanceDelaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like their hacienda, where she could see nothing but mud and lush trees. But one day, she just woke up she's...