HAVEN’s POV
Ulan ..
Ulan ..
Ulan ..
Ulan ..
Sino na nga uli ang tumatawag sa akin ng ganun ?
Pilit ko ngayon iniisip kung sino ba yung mga taong tumatawag sa akin ng ganun.
Ulan.. Bigla may nagpop up na tao sa utak niya !
Imposible ! Hindi siya yun !
Bakit naman niya itatago yung mukha niya kung siya yun ?
Kilala niyo na ba kung sino yung tinutukoy ko ??
Hindi pa man ako sigurado pero palagay ko si ..
Si ..
Si..
CLOUD THEODORE yun ! Si ULAP !
Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng ganun ehh
Pero kailangan ko muna mapatunayan yun , bakit kasi nakamaskara pa yun -_-
Kailangan ko malaman ang totoo.
One week later ..
CLOUD’s POV
Two roses na lang , magiging ganito na ako forever.
Ano ba kailangan ko gawin ko ?
Ngayon ko din napaghandaang ipakita kay Haven yung kalagayan ko at magpapakilala na din ako. Nauubos ang panahon ko.
“Stik-o !!!” sabi ni Haven. Napangiti ako kapag naalala ko yung mukha niyang masayahin.
Dahil sa kanya , nawala sa isip ko yung sumpa sa akin. Pano ba naman kasi siya na lang palagi iniisip ko ! Pag-ibig nga naman ohh !
Pinilig ko na lang ang ulo. Makainom na nga lang ng gatas. I wanna sleep.
“Ahh ! Ang sarap ng gatas. Kung alam ko masarap pala ‘to noon pa ako uminom nito , hindi puro alak lang . Hayy.” Napasandal ako sa bar counter ng kusina. Ninanamnam ang sarap ng gatas .
“H-hi ?” nanlaki yung mata ko ,para akong naistiffened. Si ..si Haven nasa likod ko . Siya yun diba ? Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang gagawin ko . Haharapin ko ba siya ? O tatakbo ako ?
Nasa ganoong kalagayan ako ng bahagyang umilaw ang tatako na nasa pulsuhan ko.
“I-Ikaw yung nagbigay ng stik-o sa akin di ba ?” Lumakas ang tibok ng heart ko ng maramdaman kong palapit na siya.
Argh ! Hindi alam pano ko siya haharapin.
“Stop.” Sabi ko na nagpahinto sa kanya sa paglapit.
Humarap ako sa kanya.
Pero mas nagulat ata ako ng ngumiti ito kesa sa matakot.
HAVEN’s POV
Ito ang dahilan kaya nagtatago iton lalaking ito sa mansyong ganito ?
Dahil sa itsura nito ?
Wala namang masama sa kalagayan niya ahh.
Napangiti ako. Siguro kaya ako pinadala dito para imotivate itong lalaking ito.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito , siguro inaasahan niya na matatakot ako sa kanya. Naku !! Baliw na bata !
“HI!” bati ko dito sabay kaway pa ng kamay. Hahaha
Lumundag naman ang puso ko ng ngumiti din ito sa akin, mukhang nakabawi na sa pagkagulat ang mokong. Pero bakit ganito may feelings ako na matagal ko na siya kakilala o imagination ko lang yun ?
Oo tama imagination ko lang ito.
O_O ! ^_^ ! napangiti ako ng at mas gumanda ang mode ko ng makakita ako ng gatas ! May fresh milk siya sa tabi niya ! Hindi ko na napigilan ang mga paa ko nilapitan ko na siya at kinuha ang gatas sa tabi niya.
Ramdam ko nakatitig siya sa akin , siguro nagulat uli siya kasi ngayon lang niya ako nakita ng ganito. Naku kung alam lang niya na matkaw talaga ako ! Hahaha
“Ahhh! “ Ang sarap talaga ng gatas ! Lalo na kapag libre .. Muwhahaha !!
“Ang sarap ! Ahh .. ano ..Salamat, ahh ano na pala uli ang pangala mo ? “ napakamot na lang ako sa ulo ko kasi nakakahiya naman, nakikigatas na nga lang ako tapos di ko alam pangalan niya. Naku ! Nakakahiya !
“ Ahmm .. Clo – Theo . Theo ang pangalan ko . “ Nahihiyang sabi nito . Kailangan niya talaga ng konpidens ! May mabibili bang gano ? Hahaha !
“Hmm .. Bakit gising kapa ? “ tanong nito.
“ Wala , nakaramdam ako ng mga anacondang tumutunog sa tiyan ko , kaya bumaba ako , nasanay kasi ako dati nung kasama ko pa si papa , kapag ganitong mga oras lumalabas pa ako para kumain , Hayy .. “ namiss ko tuloy yung dati nung kasama ko si Tatay , kumakain kami palagi ng street foods , yung atay, chicken skin sabayan mo pa ng palamig .
“Ganun ? Ang takaw mo siguro noh ? Pero di ka tumataba. Hanep naman yang mga alaga mo hahaha . “ sabi nito sabay tawa pa. Nastunned ako , bakit ganon ? Your face sounds familiar . Haha Kidding. Pero may kaboses talaga siya.
Pero baka nakita ko na siya sa past life namin kaya parang pamilyar siya . Hayy .. Napapraning na ata ako .
“Ang sama mo naman , hindi ako matakaw noh ! Sakto lang .. Pero may pagkain ka pa ba dyan ?? Gutom pa ako . Hehehe” Kapal na ng mukha ko ehh , edi sulitin ko na Wahahaha .
“Sabi mo di ka matakaw ? “ sabay smirk pa yan ahh . Ang baliw naman neto , pag ba humihingi ng pagkain . Ang saket mga men ! Saket !
Sinimangutan ko ito at nagpout ako . Pllliittthhh , Sana umepekto ka !
“What’s with that face huh ? sige na tignan mo don sa ref, may ice cream pa ata dyan . “ Waahh ! Naging ice cream ata yung mata ko sa sinabi niya . Papunta na ako sa ref ng pigilan ako nito. Tinignan ko ito ng buong pagtataka .
“ Ako na lang pala, stay there. “ Sabi nito at hindi na ako nakapagreact . So gentleman . Napangiti na lang ako. Bakit bigla akong kinilig .. Ang landi ko .
“Here. “ naputol na lang pag-iisip ko dito nung nilapag niya sa harap ko ang isang napakalaking bowl ng ice cream .*O*
“ Waaaahh !! Salamat ! “ at tyka sumubo na ako .
“Dahan dahan .. Aahaha .. “ hindi na lanng ako sumagot dito at tinago ko na lang ang kilig ! Aba ! Mahirap na ! Ewan ko ba . Basta !
Natapos kami sa pagkain ng walang nagsasalita sa amin.
BINABASA MO ANG
THE BEAST INLOVE
FantasyMinsan sa pagmamahal Hindi lamang mukha at yaman ang namamayani. Ito ang kwento ni Cloud , paano kaya siya makakawala sa isang sumpang kinabagsakan niya?