" Miss, one creamy latte. " order ng lalaking naka jacket ng black.
" okay sir, one creamy latte for Mr.? " sabi ko.
" Michael " sabi niya with a smile oh, di buh? With a smile pa yan.
" ok..sir..one creamy latte for Mr. Michael. For a while sir, tatawagin ko nalang po kayo." kako.
Umupo yung lalaki sa may dulo katabi ng window glass kung saan kalahati ng katawan mo ang makikita.
" Reila, bago yun dito ah?" tanong ni Ate shaila, Manager namin dito sa cafe. At oo, memorize na namin ang mga tao dito sa lugar namin dahil maliit na bayan lang kasi tong amin.
" oo, nga po ate eh, baka bagong lipat? " kako, eh,sa bagong lipat yung tingin ko sa kanya eh pake nyo? Tssssk..
" Reila, handa na ang Creamy Latte. " tawag ni Jim sa akin, kasamahan ko sa trabaho. Lalake po yan mukhang babae lang, kaya minsan napag titripan namin ni ate Shaila, na bihisan ng pambabaeng damit hehe ang cute kasi.
" Creamy Latte for Mr. Michael!" tawag ko. Oh, di buh? Daig pa ang nescafe sa creamy latte? Haha.. Pero di ata nakikinig si kuya eh, nakatanaw lang sa labas?! E bato ko kaya sa kanya to? Ilang beses na akong tumatawag ah, di nakikinig! Hoi kuya, walang bayad yung kakasigaw ko dito noh? Tsaka self service dito! Pero char lang sa akin lang yun noh? Baka ma sesante pa ako neto, paano nalang mga kapatid ko neto?
" ihatid mo nalang yan, Rei. Parang ang layo ng iniisip non, ako na bahala dito sa counter." sabi ni ate Shai, buti patong si ate ang bait.
Hinatid ko na sa lalaki yung order niya at wag ka baka mabasag na yung salamin sa kakatitig nya.
" Ano, ah, Mr. Michael? Eto napo ang order niyo." di ako sinagot. ano ako dito? hangin? invinsible? di naririnig? abat!!! nakaka imberna nah ah?!
" Mr. Michael? Sir?" kinakaway kaway ko na ang kamay ko sa harap niya.
" Oh, sorry, nakalimutan ko may inorder pala ako. Sorry for this. " sabi niya sabay kuha ng cup.
" It's ok sir. " ngiti ko.
ibuhos ko yan sayo eh?!
( dibuh ang sama ng kunsensya ko? )10:58 pm
( closing time )" kanina pa yan jan ah? " sabi ni ate.
" oo nga, kanina pa yang alas singko ng hapon ah? " si Jim
" oo nga eh, parang di man lang nagalaw ang cup?" ako.
" Sabihan mo na kaya dun mag coclose na tayo? wla tayong bayad sa O.T nito." sabi ni ate sabay tulak sakin.
At ako naman na si maganda lumapit naman eh, sa mabait ako at sumusunod lang sa utos, buh naman kayo.
" ah, excuse me po sir. Mag sasara na po yung cafe within 10 min. " ako sabay smile, wag ka sabi ni Ate Shai effective daw lagi yung smile ko.
Habang ang kumag tinignan lang ako at ngumiti sabay alis.
hala? ano yun? adik? nakoow naka drugs ata si kuya, pag katapos ako tignan umalis nah wla man lang sinabi? tsssk...Nauna nang umuwi si Jim kasi may pasok pa daw bukas, kaya ang naiwan nalang ay ako at si ate. Pag katapos namin elock ang pinto eh, umuwi na kami, magkahiwalay ang daan pauwi namin ni ate kaya ako nalang mag isa.
hay, 11:30 nah tagal ko nakauwi ngaun ah? kasalanan kasi to. nung lalaking hito..tssssk...Habang nag lalakad ako pakiramdam ko talaga me susunod sa akin. Lakad takbo ginawa ko, meron parin talaga.
Tatlong bahay nalang makakauwi nako. Ng biglang mihumablot sa damit ko palayo sa amin.
" Aaaaaaaaahhh!!! teka! nasasakal ako! nak ng--" napatigil ako ng tinignan ko kung sino ang humablot sa akin at laking gulat ko na isang napaka payat na bampira at matanda na ito ang me hawak ng damit ko habang kinakaladkad ako. Diyos colored! Maawa po kayo sakin! Hindi pa kumakalat ang mga binhi ko! At heto! Kinakaladkad na ako ng isang payat na LAMOK!
Sumusuway to sa batas ah! Na bawal galawin ang mga tao para sa kapayapaan ng mga tao at supernatural being!" Bitawan mo ko! Sumusuway ka sa batas! ANO BUH?! " sigaw ko habang hinihila ko pabalik ang damit ko. nak- ng- ngayun pa talaga nangyari to?
" Wla akong pakialam sa lintik na BATAS na yan?! Akin ka nah! " sabi nya habang hinihila ako, at matching type tulo ng laway.
" Walang hiya ka!! bitawan mo ako sabi! " sinipa ko siya sa tiyan tapos sabay suntok sa mukha. Buti nalang gutom tong bampirang to! TAKBO REILA! TAKBO! Habang tumatako ako, nakita kung nakasunod nayung matanda sa akin. Lalong bumibilis ang isang bampira at lumalakas lalo na pag agrisibo at gutom ito.
Tulong! kahit sino please! tulongan niyo ako! ayoko ko pang mamatay dito!" Gusto mong tulongan kita? " sabi ng isang boses. At boses ng lalaki.
" sino yan? mag pakita ka! " kako habang tumatakbo. Eh, sa kaya ko ang 2 in 1 na activity eh.
" tutulongan kita, pero sa isang kundisyun. Magiging akin ka, at titira ka kasama ko." siya
Ng dahil din sa takot ko, pumayag na ako. Ikaw kaya ang habulin ng isang bampira na walang ibang gustung gawin ay ang ubusin ang dugo mo at basta basta ka nalang itatapon kung saan pag dedo ka na?
" sige! payag na ako! "
" magaling" at bigla ko nalang nakita yung bampirang humahabol sa akin sa harapan ko." Huli ka hahahaha..." sabi nong bampira na ayun daig pa ang asong may rabis. Dyos ko! Patawarin nyo po ako sa mga kasalanan ko! Yung kinain ko ang cake ni Jim na akala niya tinangay ng pusa, yung pag sisinungaling ko kay papa na hindi ako ang kumuha nung cookies sa jar at ang pag basa ko sa libro ni mama na ayaw niyang ipahiram kasi di pasiya tapos... tapos sorry po kasi naapakan ko yung buntot nung pusa ng kapitbahay namin! Sorry po talaga! Di ko naman sinasadya yung sa pusa eh!nagmamadali kasi ako nung oras nayun!
At ng biglang..." Huli ka na tanda, ako ang una sa kanya. At ayaw ko ng may kahati. " at biglaan nalang lumitaw yung costumer namin kanina, yung lalaking makating sa window glass namin ay kasing layo ng mars.
☆☆☆
abangan ...hehe... namamanhid kamay ko sa lamig brrrr... di tuloy ako maka pag type....
like and vote po kahit pangit story ko ::>_<:: hehe
This story is edited. To make it more nice.
BINABASA MO ANG
Crimson Moon
Vampire"Ayokong mawala ka fight for me!" sigaw ko. " wag kang mag alala babalik ako" ang huling salitang narinig ko sa Demonyong minahal ko.