ok dahil si Author ay may pag ka lutang dahil sa ice cream kahapon kaya ito resulta walang maisip na story haha...
back to story na po tayo. Nag papa epal lang ako...
------------------†-----------------
Nagising ako ng maramdaman kong umiinit ang mukha ko. Pag mulat ko eh, ang liwanag ng araw anh bumongad sa akin at isang bulto ng tao na diko kilala ang nasa gilid ng bintana.
Nakayuko ito kaya di ko maaninag kong sino. Siguro si papa to." Papa, paki sarado ng kurtina. Ang sakit sa mata eh.." ako habang kinukosot ko ang mata ko.
" Anong papa? Nanaginip ka pa ba? At isa pa alas otso napo ng umaga. " sabi ng lalaki, sabay lapit sakin.
Lumaki ang mga mata ko nong nakita ko kung sino ito.
Yung customer namin.
" Hala-- teka ano ginagawa mo dito?" tanong ko sabay irap sa kanya.
" Andito ako para e-remind ka tungkol sa kasundoan natin. Na BUKAS NA magaganap. " siya at ediniin pa talaga ang bukas. tsssk..
" Alam ko. Di po Ako ulyanin kaya wag kang remind ng remind. Mag apply ka nalng kaya sa Private companies bilang secretary? Galing mo mag remind eh?" ako habang papatayo papuntang banyo.
" Just reminding. And to make things clear may plano na ako paano ka mag papaalam sa kanila ng hindi ka nila makikitang umalis na may dalang bag. " siya.
Napahinto ako sa may pintuan ng banyo ng marinig ko ang sinabi nya.
Plano? Anong plano nanaman naisip ng demonyong to?
" Ano naman ang plano mo? aber? Ipakidnap ako?" ako na pumasok na sa banyo.
Nang isasara ko na sana ang pinto e di ko masara dahil may nakaipit, at guess what? Ang makapangyarihang paa lang naman ni Kuya customer ang naka bara.
" ano bah? Don't tell me? eihi ka rin? No way highway na sasabay ako sayo na gagamit ng C.R? " ako habang tinutulak siya palayo.
" Kapal mo naman Reila? Ikaw? Gusto kong makasabay? tsss.. puputi nalamang uwak hinding hindi yan mang yayari." Siya na naka kunot na ang noo.
" eh, ano bang gusto mo ha? At haharang harang ka sa daan?" Tumataas na ang B.P ko sa devamp na to ah? (DeVamp means Demonyong Vampira)
" Hindi pa ako tapos mag salita eh, tinatalikuran mo na ako. At ang ayoko sa lahat, yung nag sasalita ako na di pinapatapos." siya na hinawakan ma ang braso ko.
Talagang na eHB na ako dito sa Devamp na to ah? Umaaboso nah! Puwede niya namang sabihin mamaya pag natapos na ako sa Cr ah?
" Eh, anong gusto mo umihi ako sa harap mo? Tsaka, pwede mo namang sabihin yan sa akin pag katapos kong mag c.r eh? Bakit? May taxi ba sa labas na naghihintay? " Inis na sabi ko sa kanya. Habang ang loko eh parang nagulat naman sa sinabi ko, at binitawan na ako.
" Cge pagkatapos mo nalang." At binitawan na nga niya ako at tinulak papasok sa cr.
Demonyong to, bipolar ata? tsssk..
Pag katapos kong mag banyo eh lumabas na ako, hinanap ko siya sa kwarto ko pero wla siya. Ano to? Ang sabi pagkatapos ko, eh san siya dito? wla naman ah? Bipolar nga talaga..tssk...tsssk...
Nag bihis na ako ng damit at inayos ang higaan ko, ng mapasin kong may itim na papel ang nakalagay sa bedside table ko.
I will be back later, may dumating lang na importante. Do what do you think is right before you will be gone in their life. And make it sure na magiging maligaya sila.
I will be back at 12 in the midnight.michael
Abat, may pa sulat sulat pang nalalaman ang mokong? At biroin nyo, Itim ang papel habang ang isinulat eh, pulang tinta. At hindi lang basta tinta, kung hahawakan mo ang bawat letra eh, mafifeel mo?
At habang binasa ko ulit ang sulat e nagulat ako ng bigla bigla ang bawat isang letra ay nagiging inverted star at nalulusaw. At ang mas malala eh sa pagka lusaw nito eh parang dugong lumalabas ito sa papel na parang taong nasugatan? Kasi tumutulo talaga ito.
Anong uri ng papel kaya ito?
Tsaka nawala na ang mga letra pati na ang dugo.
Nawala ako sa himotok ko ng marinig ko ang pintoan sa kwarto ay may kumatok.
" Reila anak, bangon nah.. Kakain na tayo." si Papa yun.
" Ah, opo papa! Sandali lang!" tinupi ko nalang muna ang papel bago ko inilagay sa drawer ko.
Bumaba na ako sa may kusina at kumain kasama ang pamilya ko. Dapat ko silang mapasaya, bulong ko sa isip ko.
" Ma,Pa bat di tayo mag picnic? o di kaya eh maligo sa beach? " ako habang nilalaro ang pag kain ko.
Tinignan ko sila iisa isa.
Si mama at papa eh nagkatinginan lang habang si Jayla e, ang mukha gulat na gulat, habang ang kambal e ang saya say.
" Ate? Me sakit ka ba?" Si Jayla na na wiwierdohan na sakin. Di naman kasi ako ganito eh. Tahimik lang kasi ako kapag kumakain kami.
" Anong me sakit? Gaga wala. Cge, ayaw mo ata eh? Papa wag nating isama si Jayla ha?" Tinignan lang ako ng masama ng bruha haha...
" Cge anak, total wala naman akong trabaho ngayon. Mag bebeach tayo." si papa" Ihahanda ko lang ang babaonin natin sa beach. At Jayla tulongan mo ako." Si mama naman. At ang mukha ni Jayla eh lumiwag ng malaman niyang isasama siya. Isasama ko naman talaga si Jayla eh, biro ko lang yun sa kanya kanina.
Habang papunta kami sa beach eh, napag tripan naming pamilya na magkantahan habang nasa sasakyan.
Ng makarating na kami eh, hinanda na namin ni mama ang mga pagkain. Habang ang mga kapatid ko naman eh gumagawa g kastilyong buhangin.
" Alam mo anak? Ang saya saya namin ng papa mo. Dahil sa tagal tagal na naming pina plano ang ganito eh, ikaw ang nakatupad. " sabi ni mama. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya.-------------------†----------------
Itutuloy....
medyo busy po kasi ako this past few weeks...
meron pang sasakay ka ng plane lakas ng epal ko sa eroplano haha...cge nah po itutuloy po ito...
baka mag u.d ako bukas hehe...Xxkurai_crossxX
BINABASA MO ANG
Crimson Moon
Vampire"Ayokong mawala ka fight for me!" sigaw ko. " wag kang mag alala babalik ako" ang huling salitang narinig ko sa Demonyong minahal ko.