Chapter VI

8 4 0
                                    

"I'll prepare our dinner for tonight. Mauna ka na sa sala. Naroon sila," sambit ng kanyang ama na agad niya ring sinunod.

"Bienvenue dans la Alarie famille, A mangé Peur!" sabay sabay na bungad sa kanya ng tatlong magkakamukhang batang babae.

Tantya niya'y nasa anim o pitong taong gulang na ang mga ito. Bahagya pang umangat ang kanyang balikat sa gulat. Nasulyapan niya ang hawak hawak ng mga bata. Kahit hindi niya naintindihan ay nakasulat naman sa isang malaking cardboard ang pagsasalin nito sa wikang ingles.

Welcome to the Alarie Family, Ate Peur...

Peur smiled at them. "Thank you so much for your heartwarming welcome, girls."

Natulala siya sa ngiti ng tatlo. Hindi alam kung saan itutuon ng pangmatagalan ang paningin dahil lahat 'yon ay iba't iba ngunit pare-parehong nakabibighaning tingnan.

Lumapit sa kanya ang kanyang Tito Hideux, kasama ang asawa ng kaniyang pamangkin na si Pragma, dahilan para mawala sa triplets ang paningin niya. Mahigpit siyang niyakap ng mag-tiyuhin.

"Thankyou for letting us to stay here, Tito. Pragma," aniya at bahagyang tumango sa dalawa.

"Ano ka ba, bahay nating lahat ito, 'no!"

"Oo nga naman iha," sang-ayon ng Tito Hideux niya.

Nginitian niya ang mga ito. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ng dalaga nang lumapit ang triplets sa kanya upang magmano at humalik sa kanyang pisngi.

"Ako po si Première. You can call me P, Ate Peur," pagpapakilala ng maputi, hanggang likod ang makintab nitong buhok, straight ngunit bahagyang kulot sa bandang dulo at nakakaakit ang makakapal niyang pilikmata.

"Ako naman po si Deuxième. They call me D so 'yon na rin po ang itawag niyo sa akin," nakangiting saad ng nasa gitna.

Nakakainggit ang napakagandang buto sa kanyang pisngi. Bumagay sa kanyang mamula mulang kutis at sa tuwid na tuwid nitong may mga hibla ng kulay ginto na buhok. Wow.

"Ako naman po ang itinuturing na bunso dahil ako raw po ang pinakahuling lumabas," ani ng panghuli sa triplets na ikinatawa namin pare-pareho.

Napalabi na lamang ang bata bago muling nagsalita.

"My name is Troisième. Ayaw ko po sanang tawagin niyo akong T," nakalabi pa ring saad nito.

"Why? It's sounds cute, dear." Umiling ito. Hindi sumasang-ayon.

"I love my name but T is pronounced like Tea. My other classmates are mean to me, Ate Peur. Tinatawag nila akong C2 green tea," pagsusumbong niya, ano mang sandali ay bubuhos na ang luha.

Lumapit ang dalawa pa sa triplets at inalo ang kapatid. Yumuko siya upang mag-lebel ang paningin nila.

"You shouldn't be affected by the falseness of their words, dear. One day, they will surely stop and will realize that they're wrong. Believe me." Pangungumbinsi niya sa bata.

"Stop crying, baby. Huwag mo ng isipin 'yon. Ganito nalang. We will play Trivial pursuit later together with Ate Peur, okay? Right, Ate?" Pragma smiled at her.

Dirigeant's Third RuleWhere stories live. Discover now