Chapter XXX

1 1 0
                                    

"Marhay na hapon, manong Ferb!" sabay na bati nila ngunit hindi pahuhuli ang mas masiglang pagkakabanggit ni Khliz.

After a long tiring day, she's still energetic. Very, very hyper. Thanks to what she's having right now.

"Ganoon din po sa inyo. Mas maganda pa po sa hapon ang ngiti niyo, ma'am."

"I agree," Doux chuckled while looking at her with so much adorableness.

Khliz flipped her hair and smiled more widely as she sat on the wooden chair beside manong Ferb.

"Fries po, oh?" alok ni Khliz sa bff fries na binili nila mula sa McDonald's drive through.

Sandali iyong ikinagulat ni Doux. 'Di siya makapaniwala sa naging pag-alok ni Khliz. Marahil ay good mood ito. Palibhasa ay nakakain na. Nasunod nanaman ang cravings. Iyon ang konklusyon ng binata.

Tuloy ay naalala niya ang kaibigan. Isa ang ugaling iyon sa pagkakahalintulad nila ni Peur. Kadalasan, si Peur ay nagmamaktol sa tuwing may kahati ito sa paborito niyang pagkain. Bibihira lamang ito maging 'nasa mood' kumbaga.

Kaya naman ngayon ay 'di mapigilan ni Doux na magulantang sa mga sinabi ni Khliz. Namamangha, nanunukso niya itong nginisihan.

"Aba'y hindi na po ma'am Khliz. Maraming salamat na lang," umiiling, nakangiting tanggi ng matanda.

"'Eto naman si manong, oh! Masama po ang tumanggi sa grasya."

Muli lamang itong tumayo. Iniwan kay Doux ang pagkain at inumin niya para buksan ang likod ng sasakyan kung saan naroon ang kanilang mga pinamiling groceries. Tila nalalaman na agad ni Doux ang susunod na mangyayari. At hindi nga siya nagkamali.

And now, a bag of fries. Just wow. Doux' thoughts.

Wala nang nagawa ang sekyu nang iabot ni Khliz ang isang pakete ng branded na french fries. Natulala ang sekyu doon. Hindi lamang kasi iyon 'yong simpleng small-sized bag. Sa lahat ng bag of fries ay iyon ang pinakamalaki. Sa madaling salita, bag of extra large fries.

Akala pa ni manong noong una ay bibigyan lamang siya nito ng mas maliit na  french fries tulad noong sa kaniya ngunit nagkamali ito.

"Ma'am?" nangunguwestyon nitong tugon.

"Kunin niyo na po, manong. Sobra naman na po ito. Marami pa kaming biniling ganiyan para sa mga bata. May lutuan naman po siguro doon sa bahay na sinisilungan niyo tuwing kakain na, 'no?" sulyap ni Khliz sa isang maliit ngunit konkretong bahay na naroon sa 'di kalayuan.

"Opo, mayroon," tango nito.

"Ngunit sa dami nito ay paniguradong masisira lamang po ito. Hindi rin po namin ito makakain ng aking kasamahan.

"Hindi makakain? May ref naman po siguro kayo jan? You can still eat and cook that as long as it was been refrigerated. Puwede niyo na po 'yang isama sa pang isang buwang snacks at meryenda niyo," nakangiting paliwanag ni Khliz bago muling inilapat ang kaniyang labi sa straw ng float. 

"Iyon na nga po ang problema, ma'am. Walang magluluto nito doon dahil sampung minuto lamang ang aming nakatakdang pahinga para sa pagkain."

"Ano ho!? Sampu!?" tila nabibingi, nabibiglang ulit ni Khliz. Halos mabilaukan siya sa sariling iniinom.

Doux' immediately hand her his handkerchief.

Dirigeant's Third RuleWhere stories live. Discover now