Prologue

74 16 6
                                    

As I slowly opened my eyes, I was greeted by a light coming from a place I could not determine. I heard someone crying. But I can say that it's not because of agony or pain. I can tell, that that person is happy. Tears of joy...

Is this possible? To know the joy that other people feel just by basing on the lightness you feel in your heart? Is this because of my connection to that person?

Who is this person, then?

Just when I finally recognized where I am, in a hospital bed.

Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang makarinig ng tila iyak ng isang sanggol. Unti unti kong inangat ang aking sarili paupo hanggang sa masilayan ko ang dalawang pigura sa aking paanan. Naaaninag ko sila ngunit hindi lubusang nakikita.

Bakit ganon?

Yakap yakap ng lalaki sa kaniyang mga bisig ang isang sanggol. Hinehele niya ito't pinapatahan. Sumunod ay ramdam kong napunta sa akin ang paningin ng lalaki.

Heto nanaman ang aking katanungan sa isipan. Bakit ganon? Lahat ng narito sa paligid ay malinaw naman na nakikita ng aking dalawang mata. But this man and the baby he was carrying is blurred to my vision.

Bakit nga ba ako narito sa ospital? Mayroon ba akong sakit? Ito na ba 'yon? Kaya ba ako isinugod rito dahil malabo ang aking paningin?

Napaka-exaggerated naman ni Dad, kung ganon.

Ilang sandali pa, tunog mula sa pagbukas ng pinto ang bumalot sa apat na sulok ng silid na iyon.

Sumilay ang napakagandang ngiti ng isang ginang. Iba ito, iba siya. Malinaw ko iyong nasilayan!

Nakakapagtaka ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Kakaiba ang kaniyang awra ngunit ang kaibahang iyon ay nagdulot lamang sa akin ng kapayapaan.

Normal pa ba ako?

Napakapormal ng kaniyang kasuotan. Hindi ko alam kung saan o kanino siya maaaring ihambing dahil tila mayroon siyang sariling pagkakakilanlan.

Manghuhula ba ako?

Hindi ko maipaliwanag ngunit batid kong may edad na ito. Pamilyar siya sa akin. I think I saw her before but I'm not really that sure.

But wait... Me and her... Magkamukha kami!

"Sino ka?" Iyon ang unang dalawang salita na aking binatawan mula nang ako'y magising. Ngunit wala akong nakuhang tugon. I want answers. Why is she just smiling at me? Is she deaf?

"We have same features. Hindi na ako magtataka kung isa ka sa mga hindi ko pa nakikilalang relatives ng family. Are you?" I asked.

Marahan siyang lumapit siya sa akin. Hinaplos ang aking buhok at ito'y hinalikan.

"I... We..." turo niya sa lalaki at sa sanggol. "All of us... We love you so much, okay? I love you so much," she said.

Hindi ko namalayang unti unti na palang tumutulo ang aking mga luha. Tila tubig sa ilog na malayang umagos sa aking mga pisngi.

Why am I crying? Why does it feels suffocating but peaceful at the same time? What's happening to me?

"I don't know you. I can't recognize you all. Please introduce yourselves to me. Please..." I said while crying. But she just smiled again. Lalo lamang akong humagulgol sa hindi malamang dahilan.

"Hey, please. Tell me."

"Please..." pakiusap niya ngunit tiningnan lamang siya ng ginang.

Dirigeant's Third RuleWhere stories live. Discover now