Ilang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay naroon pa rin ang iisang pakiramdam ng mga mahal sa buhay nina Peur at Guill.
Na para bang tanging presensya lamang nila ang makakapuno sa mga pagkakataong pakiramdam nila'y may kulang. Mayroong nawawala. Na mayroong hinahanap-hanap.
Dahil hanggang ngayon, wala pa ring balita sa dalawa. Lalong lalo na kay Peur.
Sa tuwing bumibisita sina Khliz at Doux sa mga batang inampon ni Peur ay talaga namang walang palya ito kung magtanong kung kailan ito babalik. Kung kailan itong bibisitang muli. Bagay na ikinalulungkot ng dalawa. Wala silang ibang maisagot kundi ang hindi nila alam dahil ayaw rin nilang magsinungaling. Mabuti na lamang din at hindi ganoon ka-kulit ang mga ito at hanggang doon na lamang kung magtanong.
Si Guillaume ay naroon sa mansyon ng mga Alarie. Nang sandaling lumipad ito pabalik mula Pransya ay tila lagi na itong wala sa sarili. Kung tanungin mo man ay kay iikli ng mga sagot at madalas ay tanging tango at iling lamang ang kaniyang tugon.
Hindi nila magawang itanong ang lagay ng anak nitong si Guill dahil batid na rin naman nilang hawak na ito ng asosasyon.
Ang lahat ay nangungulila. Nasasabik malaman kung nasaan at kung kailan babalik ang mga minamahal nila sa buhay ngunit sa isang banda ay binabalot ng takot dahil hindi nila alam ang lagay nito at kung ano ang mga dinanas nito bago ang kanilang pagbabalik.
O... Kapag nagkataon man na mangyari ang 'di inaasahan ay hindi nila malalaman ang mga dinanas nito bago ang kanilang pagkawala... Hindi nila masabi. Hindi nila hawak ang tadhana. Walang may alam. Walang makapagsabi. Walang katiyakan.
Sa loob ng ilang araw na 'yon ay walang palya pa ring binibisita ni Dimensio sa ospital ang anak ng kaibigan niyang si Tofino.
Ani ng kaibigan ay ipapadala niya ng muli ang anak na si Seima sa bansang Pransya pagkatapos na pagkatapos mismo nitong gumaling. Tutal ay malapit na rin namang maghilom ang sugat nito at kaunting pahinga na lang ang kailangan.
Sa kabila rin ng mga lakad ni Dimensio ay pinagsasabay niya ang paghahanap ng impormasyon tungkol sa anak na si Peur. Ayon sa mga tauhan ni Dimensio ay natitiyak nilang mas makapangyarihan sa kanila ang may hawak sa anak nito.
Hindi lingid sa kanilang mga tauhan na pinaghihinalaan nila Dimensio na naroon sa pangangalaga ng nakatatandang Dirigeant ang kaniyang anak. Na naroon ito sa mismong pangunahing lider ng organisasyon kung kaya't nagawang magbitiw ng mga tauhan nito ng mga ganoong salita. Hindi lingid sa kaalaman nila ang mga hinala ni Dimensio kaya naman alam ito ng kaniyang mga tauhan.
Lingid sa kaalaman ni Dimensio na mayroong espiya ang nakatatandang Dirigeant na nagmumula sa kaniyang mga tauhan kaya naman lahat ng mga hakbang nila ay nalalaman ng pangunahing lider.
Hindi intensyon ng Lolo ni Peur na itago siya mula sa kaniyang ama ngunit sa lagay ng dalaga ay hindi niya ito magawang pauwiin kahit pa wala na doon ang binatang Leroy na dinig niya ay siyang dating manliligaw ng apo. Na siyang huling misyon rin ng kaniyang apo.
Sa isang banda, nagawa niya pang bumilib sa katangiang taglay ng manugang. Ni Dimensio. Tunay nga namang nananalaytay sa dugo nito ang katalinuhan. Ganoon nito kabilis naisip na naroon sa kaniya ang anak.
Ngunit, kahit pa tama ang mga hinala nito ay hindi niya magawang ibalik si Peur sa kanila. Nais niyang masigurado sa apo niyang si Peur mismo kung tama ba ang konklusyon niya sa narinig na kalagayan nito. Kuwento ng kaniyang anak-anakan na siyang nangangalaga kay Peur, narinig niya ang madalas nitong pagduduwal mula sa banyo. Bagay na hindi ikinatuwa ng Lolo ni Peur. Hindi niya nanaisin pang maulit ang nangyari sa anak niya. Sa ina mismo ni Peur. Hindi niya na nanaisin pang mayroon nanamang isa sa kaniyang mga ka-dugo ang makagawa ng paglabag sa isa sa mga batas. Hindi niya na nanaising mayroon nanamang siyang maparusahan. Lalong hindi niya kayang parusahan ang kaniyang apo.
![](https://img.wattpad.com/cover/278160579-288-k589414.jpg)
YOU ARE READING
Dirigeant's Third Rule
Romance"Failure should be our teacher, not our undertaker. It is delay, not defeat. It is a temporary detour, not a dead-end street." She shared this to her students as she remembered what exactly William A. Ward have said. She was a believer, who once f...