Chapter 1"Why are you late, Amara?"
Napatigil ako sa paglalakad ng mapagtantong andito pala ang nanay ko.
Akala ko ba nasa business trip sila.
"I went to Blue Ele with my friends" sagot ko na lang
Pinagmasdan ko ang ginagawa ni mommy. Nakikipag-usap siya sa'kin pero ang mata niya ay tutok sa laptop niya.
"Blue Ele? Is that a coffee shop? And why are you wearing a hoodie? You don't have a hoodie as far as I know" she said, elegance in her voice were evident.
"Just.. 'just continue your work, mom. I'm really tired to argue with you" Sabi ko sa kanya saka naglakad papuntang kwarto.
I heard her calling my name pero hindi ko na lang siya nilingon.
Naligo na lang ako saka nagpalit ng pajamas, hihiga na sana ako sa kama ng tumunog ang cellphone ko.
Si Khalif lang pala.
"Bakit?" Tanong ko ng masagot ang tawag niya.
Nalayo ko agad ang cellphone ko ng sumigaw siya.
"Girl, what the hell! Alam mo bang patulog na ako, nagising diwa ko sayo sa true lang" Sabi ko sa kanya
"K-kasi ba naman waittttt ahhhhh!!"
Wala akong maintindihan sa sinasabi nito. Nakainom ba tong mga toh? Lalakas tama. Nawala lang naman ako. Anong nangyari sa mga to?
"Do you know Kieran Zikiel?" Kinikilig na tanong niya
"I don't know, who's that? Bebe mo?" I asked
Hinila ko muna yung comforter ko at pinatay ang aircon. Grabe parang nasa America ako sa lamig. Lalagnatin siguro ako nito bukas.
"No. No. Do you know the hoodie guy with his glasses yung nagbabasa ng libro dito sa Blue Ele. Yung pogi!!" Sabi nito.
Sino daw?
Naka hoodie?
Ahh yung lalaki kanina.
"Bakit?" Tanong ko na lang
Bago niya sagutin ang tanong ko ay umirit pa siya. "Tinatanong pangalan mo"
Huh? Ano daw?
"Nakainom ba kayo?" Tanong ko. Nababaliw na ata tong mga toh.
"Girl, girl hindi no, hiningi talaga niya. Kausap nga ni Madame Ella. Tapos shota ang gwapo. Medyo basa yung buhok. Girl, crush ka siguro" medyo mahinang sabi niya, napakinig ko kasing naglakad siya papuntang table dahil naririnig ko na ang halakhak ni Ella.
"Pasabi. I don't do crush back. Sige na tutulog na'ko" Sabi ko, inantay ko na lang patayin niya yung tawag at pinatay na nga niya.
Ang sakit ng ulo ko at nilalamig narin ako. Parang mamaya-maya ay kusa Ng pipikit ang talukap ng mata ko at yon na nga ang nangyari.
Nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan. Nagising lang ako ng kumatok si Manang Beth. Our maid.
"P-pasok po" nanghihina kong sabi.
Nakahiga parin ako ngayon dahil hindi ko talaga kayang bumangon. Buti na lang at Saturday, walang pasok ngayon.
"May lagnat ka ba, anak? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang Sabi ni Manang.
Manang Beth is our maid since I was a child. Tinuturing niya narin akong sariling anak. Nakita na niya akong paluin ni mommy nung bata ako, siya Yung palaging gumagamot sa'kin na hindi kayang gawin ng sarili kong magulang. Pinapatahan niya ako sa tuwing minumura ako ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Under the Light of our Eighteen
Teen FictionIn their eighteens, they first met. Under the light of the moon, their eyes landed to each other. Full of stars were shining that day, they confessed their love for each other. They were eighteen too when both of them are wounded.