Chapter 3"Tulala ka dyan" Sabi ni Khalif pagkatapos niyang umupo.
Andito kami sa Greenwich dahil natripan naming kumain ng pizza pagkatapos naming bumili sa National Bookstore. Tinawagan din namin si Ella kaso hindi daw siya makakapunta dahil may group project siya.
Matapos nung nangyari kanina sa pagitan namin ni Kieran, wow close ba kami? First name basis tayo Lianne ha.
Ipapasauli ko na lang yung hoodie niya kay Ella, pag tinanong niya ako kung bakit na sa' kin yung hoodie non sa' ka ko na lang sasabihin ang nangyari.
"Birthday ni Daddy sa isang araw, wala akong maisip na regalo" Sabi ko na lang sa kanya sa' ka uminom ng ice tea na inorder namin kanina.
"Ano pa bang kulang sa daddy mo? Sa sobrang yaman niyo, baka nasa inyo na lahat ng klaseng gamit na makikita sa malls" natatawa niyang sabi
Hindi ko iniisip na mayaman ako, sina mommy at daddy oo, sila yung mayaman. May sarili akong pera kaya naman madalang ko lang gastusin yung mga binibigay nina mommy.
"Ano ba maganda?" Tanong ko sa kanya
Dumating narin yung order naming pizza, hawaiian pizza yung inorder namin dahil parehas namin iyong hilig.
Nagsimula kaming magkwentuhan about some stuffs but mostly about our studies.
"Malapit na Interhigh noh, kaya pala todo practice yung kaibigang mong pampam" sabi nito sa' ka kumuha ng panibagong slice ng pizza.
"Si Louis? Pinaghahandaan ata non ang Letrano, natatakot atang matalo" natatawang sabi ko
Letrano ang nanalo nung last Interhigh sa pagkakaalam ko.
Nag-usap pa kami ng nag-usap napagdesisyunan lang namin umalis ng matapos kaming kumain.
Nagtitingin lang ako ng ireregalo kay Daddy at bumili na lang ako ng sweater dahil madalas siya sa ibang bansa.
"Yung Kieran Zikiel ba' yon?" Tanong sa akin ni Khalif tiningnan ko naman ito.
Tinutulungan Niya Yung matanda doon sa bitbitin niya, the smile on his face was evident.
He's really something, huh. Kanina lang ang sungit niya don sa NB.
Nagkibit balikat na lang ako at sa' ka sumakay sa kotse ni Khalif.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kotse kaya naman ginising pa ako ni Khali, nasa bahay na pala kami.
"You should rest, mukhang pagod na pagod ka this past few days ah, ang konti mo na' rin kumain" nag-aalalang Sabi Niya
I only smiled at her so that she can rest assure that I'm ok.
"You don't have to worry about me, Khali. Malaki na ako" natatawa kong sabi sa' ka bumaba sa kotse niya "Thanks sa paghatid" dagdag ko sa' ka sinara ang kotse niya.
Pagod na pagod akong pumasok sa bahay, napatingin ako sa buong bahay. Malinis, hindi maingay, walang bumubungad na magulang.
Sa halip na magpahinga ako ay kinuha ko Ang skate board ko. Nagpalit muna ako ng comfortable na damit at saka inipitan Ang mahaba Kong buhok, ang ibang hibla ng buhok ko ay naglalaglagan.
Malaki naman tong subdivision namin kaya makakapag-ikot ako.
Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap ng hangin.
When I'm skating and dancing I feel like I'm free in this harshful world of us.
Napatigil lang ako sa pag-i-i-skate board ng may nakita akong batang nadapa dahil ata sa tumakbo siya kaya naman agad-agad ko siyang nilapitan.
BINABASA MO ANG
Under the Light of our Eighteen
Teen FictionIn their eighteens, they first met. Under the light of the moon, their eyes landed to each other. Full of stars were shining that day, they confessed their love for each other. They were eighteen too when both of them are wounded.